XLII - Even if it hurts.

811 11 2
                                    


Selena



Sinabi ko sa kay Ron na hindi muna ako papasok ng school dahil hindi ko pa kayang makita ulit si Aims. Nagpaalam ako na dito muna ako sa apartment mag-stay at pumayag naman siya.



Nagpasya akong ilang linggo muna na mag-stay dito hanggang sa maging maayos ang lahat. Wala akong naririnig tungkol kay Aims. Wala akong balita sa kanya. Hindi rin siya nagtetext o tumatawag.



Huminga ako ng malalim. Mainam na rin siguro iyon. Para mas mapadali ang lahat ng bagay.



Mag-isa lang ako ngayon sa apartment ni Ron dahil nasa school siya. Maya-maya lang ay nagpasya akong mag-ayos ng sarili para pumunta sa condo ko at kunin ko ang ilang personal na gamit ko doon.



Nagbihis ako at nagpunta na sa unit ko. Nang makarating doon ay nagpunta na ako agad sa kwarto ko para magpahinga. Nahiga muna ako sa kama.



Ilang sandal ay nagising ako. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Inayos ko ang aking pagkakahiga. Ang hina pa rin ng katawan ko hanggang ngayon.



Tumingin ako sa salamin. Ang putla at ang lata ng buong katawan ko. Hinang hina ako. Bagsak na bagsak ang mga mata ko at kitang-kita ang mga maiitim na nasa ilalim ng mga mata ko.



Tinitigan kong mabuti ang sarili ko. Ako pa ba 'to? Sino na ba 'tong nasa harapan ko ngayon? Tila hindi ko na kilala kung sino ba itong nakikita ko. Hindi ko na ata kilala ang sarili ko.



Naalala ko na naman si Aims. Umupo ako sa kama. Walang araw na hindi ko siya naalala. Walang araw na hindi ko inisip kung kamusta na kaya siya. Walang araw na hindi ko siya na-miss.



Araw-araw hindi siya nawawala sa isip ko. Araw-araw kong kinukwestyon ang desisyon na ginawa ko.



Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam. Hindi ko pa rin sigurado.



Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Napapikit ako. Bakit ganito? Bakit sobra sobrang pinagsisisihan ko ang ginawa ko? Noong una ay akala koi yon ang makakabuti para sa aming dalawa pero anong nangyari? Hindi ko alam kung nakabuti nga ba.



Naalala ko ang reaksyon ni Aims nang iwan ko siya. Yung reaksyon niya habang kaharap namin ang mga magulang niya. Hinding hindi ko makakalimutan.



Ang mga mata na iyon na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti sa akin. Yung mga mata niya na nagtutunaw sa aking katawan. Yung mga mata niya na sobrang makapangyarihan na kayang iparamdam sa akin ang lahat ng masasaya at kakaibang pakiramdam sa mundo na noon ko lamang naranasan. Ang mga matang iyon ay bigla na lang napuno ng sakit.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon