XIV - This is my first time.

2.5K 27 1
                                    

Selena
   

After I agreed to go to the club with them ay nagpatuloy lang kami sa pagkain.
  



Pinilit kong kainin 'yung vegetables and fruits na binili ni Tracy kahit na ilang subo pa lang ay nagsawa na agad ako.
  



Kumakain lang ako at tahimik na nakaupo habang sina Tracy at Tiffany naman ay nakikipaglambingan sa mga lalaking katabi nila.
  



Hindi ba nila kaya ng walang lalaking kasama? Ugh. Tracy, Tiffany and their hormones.  




Isinubo ko na yung last na damo na nasa plato ko at ininom 'yung juice ko nang nagsalita si Tracy, "Oh, by the way." tumingin siya sakin. "Tiffany will fetch you at 4 pm. Pupunta kayo samin at doon na tayo maga-ayos."

  


She is looking at me from head to toe while saying that.
  



"And, uh, ako na bahala sa susuotin mo, aryt?" she added and smiled at me.
  



I looked at myself. I'm wearing a dark blue round neck t-shirt, jeans, and sneakers.
  



Uhh, maybe they don't like it?
  



Ano ba dapat ang suot ko kapag kasama ko sila?

  


Pagkatapos namin mag lunch ay nagpaalam na ako sa kanila dahil malapit ng magsimula ang susunod na klase ko.

  


Nauna na 'ko sa kanila dahil mukha yatang wala silang balak pumasok. Kasama pa rin nila 'yung dalawang lalaki.

  



P.E. ang klase ko ngayon hanggang 3pm. Volleyball ang nilalaro naming mga babae habang 'yung mga lalaki naman ay basketball.
  


Magka-iba ang nagtuturo samin kaya magkahiwalay 'yung mga boys sa girls.
  




Si Sir Fajardo ang nagtuturo sa amin ng volleyball at si Sir Castro naman ang nagtuturo ng basketball sa mga boys.

  



Kaya magkahiwalay ng court ang boys at girls. Medyo malayo kasi ang court ng basketball dito sa volleyball court.

  



God, i hate wednesdays!! Hindi ko nakikita si Ron kapag wednesday.

  



Dalawa lang klase ko kapag wednesday, NSTP at P.E., at parehong wala si Ron sa mga subjects na 'yun.

  


Pagkatapos namin mag-warm up ay pinaglaro na kami ni Sir Fajardo.

  



Naging maganda naman 'yung laro namin kahit na natalo kami. Okay na 'yun, 93 naman ang grade ng matatalo. Mataas pa rin.

  



Matapos ng laro ay nag-dismiss na si sir kahit medyo maaga pa. Sabi niya ay wala na rin naman kaming gagawin dahil natapos na ang laro namin.

  



Nag-ayos na ako ng gamit ko at napagpasiyahan ko ng umuwi.

  


Nakakamiss si Ron. Buong araw ko siyang hindi nakita, eh. I hope he's okay.

  



Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon