XXX - Why do you care?

1.5K 17 0
                                        

Selena

Naabutan ko sila Tracy na nasa harap na ng counter at nangunguna sa pila. Pumunta ako doon sa kanila at nilagpasan ko ang pagkahaba-habang pila. Nakita ko silang nakikipag-usap sa isang babaeng nakasalamin at may maiksing buhok na nasa unahan ng pila.



"Excuse us, loser. Bibili kami." ani Tiffany doon sa babae. Ngumisi ako sa sinabi niya. Humugot ng malalim na hininga iyong babae at hindi pa rin umalis doon sa pwesto niya. Yumuko siya. "Are you deaf?" dagdag pa niya.



"Come on, girl. Kung ayaw mong mapahiya ka dito ay umalis ka na diyan." marahan ang pagkakasabi ni Tracy pero may banta sa boses niya. Nanginig ang babae sa narinig niya. Mabilis ang kanyang paghinga at nanggigilid na ang mga luha.



Suminghap ako. Ganitong ganito ako dati. Naalala ko iyong isang beses na ipinahiya ako dito sa cafeteria dahil hindi ko sinasadyang maunahan sila sa pila. Itinapon nila ang mga laman ng bag ko at binuhusan ako ng juice sa aking buhok. Nakita iyon ng maraming estudyante dito at sabay sabay nila akong pinagtawanan. May ilan pa na hinagisan ako ng balat ng saging at bote ng mineral water. Bumuntong hininga ako. Dati iyon, hindi na ngayon.



Pinagmasdan ko muli iyong babae na kaunti na lang ay bubuhos na ang luha dahil sa mga matatalim na titig na ibinibigay sa kanila nila Tracy. Masyado siyang mahina. Tumingin siya sa akin habang nanggigilid ang kanyang mga luha. Naghihintay sa sasabihin ko. Para siyang nagmamakaawa sa akin at nagsusumamo na kampihan ko siya. Pero hindi ko gagawin iyon. Lalo na sa harap nila Tracy.



Pinagtaasan ko siya ng kulay. "What are you looking at? Umalis ka diyan. Bibili kami." madiin ang pagkakasabi ko at sinigurado kong masisindak siya. Kumunot ang kanyang noo at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya. Umalis siya mula doon sa pila at lumabas ng cafeteria nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumila na rin ako para makabili na rin ng aking pagkain.




Masyado siyang mahina at naiinis ako dahil nakikita ko sa kanya ang dati kong sarili. Nakikita ko sa kanya ang dati kong kalagayan dito sa eskwelahan. Magmula noong lumipat ako dito ay ilang araw ko ring naranasan iyon. Madalas ay ganoon ang nangyayari sa akin. Ni hindi ako makapasok sa cafeteria para kumain kaya madalas ay nagugutom ako. Wala akong kakampi. Wala kaming magawa ni Ron at wala rin ako mapagsabihan sa bahay noon. Basta makapasok ako sa cafeteria ay swerte na lang kung walang namamahiya sa akin. Lahat ng mga birhen o nerd na makita nila doon ay ganoon ang ginagawa nila. At doon lang ako nakakakuha ng atensyon dati, kapag pinagpipyestahan nila ako sa pamamato ng mga plastic bottles. Pero ngayon, i'll make sure na hindi na mangyayari sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko na hahayaan na mangyari ulit iyon sa akin. No. Never again. Mas ayos pa kung ako na lang ang gumawa nun sa kanila kaysa naman maulit ang ganoong eksena sa akin.



Bumili ako ng vegetable salad at isang mango juice. Kagaya ng binili nila Tracy. Matapos yun ay pumunta na kami sa dati naming lamesa at nagsimula nang kumain. Pinaalala lang nila sa akin na pupunta kaming club mamaya at wala dapat mawala sa aming tatlo. Susunduin na daw nila ako mamaya para sabay-sabay na kami. Napaisip ako kung nandoon kaya sila Kim mamaya. Lumagok ako ng iniinom kong juice. Ayos lang naman siguro kung nandoon siya mamaya? I mean, magkaibigan kami at dapat kong tanggapin ang nakaraan nila ni Aims. At isa pa, wala naman ako karapatang ayawan siya.



Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil mukhang may date pa silang pupuntuhan. Nagtext na rin sa akin si Toby na naghihintay daw siya sa akin sa parking lot. Umalis na ako doon at sinabing magkita na lang kami mamaya.



Nagmamadali akong pumunta sa parking lot dahil baka maubusan na ako ng oras. Sandali na lang ay magsisimula na ang susunod kong klase. Habang naglalakad ako ay panay pa rin ang tinginan na ibinibigay sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan ko hanggang sa makarating ako sa parking lot.



Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon