XXIV - I thought so too, Tracy.

1.5K 16 1
                                    

Selena

Pagkalabas namin doon ay namili pa kami ng iba't-ibang accessories at sapatos saka dumiretso sa counter. Pagkarating ko doon ay agad kong iniabot ang debit card na ipinahiram sa akin ni Toby.


Nagi-guilty tuloy ako dahil hindi ko pa man nagagawa 'yung pabor na hinihiling niya sa akin ay nagamit ko na agad 'yung binigay niya na kapalit para doon. Magandang tulong rin pala sa akin itong pagpapanggap namin ni Ron dahil ngayon ay kahit papaano may napagkuhanan ako ng pera para bumili ng mga gamit na gusto ko.


May ipinakita sa akin ang cashier at sinabihan niya ako na i-type ang PIN ng card na iyon. Ginawa ko naman iyon at ginaya ko ang sinabi sa akin ni Toby. This is all thanks to him. Kung di dahil sa kanya ay hindi ko makakaya na makisabay kina Tracy dahil sa kakulangan ko sa pera. Ang hirap kasi sabihin sa kanila na kapos ako sa pera at isa pa ay kailangan kong makisabay sa kanila. Gusto ko rin gawin ang mga ginagawa nila at alam ko na mas marami pa akong mae-experience kapag kasama sila na tiyak ay magugustuhan ko. Kailangan ko ng pagkukuhanan ng pera para maging masaya at para makasabay sa kanila kaya kahit ano ay gagawin ko para kumita nito. Kahit ano ay gagawin ko para mas makilala ako at para makisabay kina Tracy. Dahil doon ako sumasaya at ganoon naman talaga ang dapat.




Maya-maya pa ay nag-aya si Tiffany na kumain sa isang restaurant na dati na nilang kinakainan. Nagpunta kami roon at sabi naman niya ay libre na niya ito kaya hindi ko na rin kailangan pang problemahin ang ipambabayad ko doon. Babawi rin ako sa kanila. Sa susunod ay ako naman ang magti-treat sa kanila para hindi nakakahiya.



Pagkarating roon ay namangha ako sa ganda ng loob nang restaurant na iyon. Halata na ang mga kumakain lang dito ay yung mga taong may mararaming pera. Naupo kami sa isang upuan doon at kaagad ay inabutan kami ng waiter ng menu pero hindi na iyon tinanggap ni Tiffany at nagsabi na agad siya ng order naming tatlo. Pare-pareho lang in-order niya para sa aming lahat. Sobrang dalas siguro talaga nila rito kaya kabisado na nila ang menu ng restaurant na ito.



"Salamat." sabi ko kay Tiffany.



Lumingon naman siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Ano ka ba? Wala 'yun." sabi niya sabay inom ng tubig na nasa harap niya.



Tumango naman ako sa kanya at nginitian siya. Sumandal ako sa upuan ko at pinagmasdan lang si Tracy na kanina pa hindi nagsasalita at nakatingin lang sa baso ng tubig na hawak niya. Nagulat naman ako nang agad siyang tumingin sa akin.



Umayos siya ng upo nang nakita niya akong nakatingin sa kanya. Tinitigan niya akong mabuti at saka nagsalita, "Selena."



Sumagot naman agad ako sa kanya. "Why, Tracy?"



Tumingin siya kay Tiffany bago nagpatuloy, "I just want to ask you something."



Kinuha ko ang baso ng tubig na nasa harapan ko at ininom ito. Tumango ako sa kanya, "Sure. What is it?"



"Uhh," yumuko siya at mukhang hindi mahanap ang tamang salita para sabihin sakin ang gusto niyang sabihin. Maya-maya pa ay nagpatuloy siya, "You and Aims." sabi niya habang tinuturo ako gamit ang daliri niya.



Tumingin ako kay Tiffany. Nakatingin lang din siya sa akin ng mabuti at pinagmamasdan ang mukha ko. Para bang binabantayan niya ang bawat ekspresyon na lalabas sa mukha ko. Alam kong may gusto silang dalawa kay Aims kaya dapat ay mag-ingat ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Aims. Tumingin akong mabuti kay Tracy at ngumiti ako sa kanya, "Me and Aims? What about us?" pinilit kong ipakita sa kanila na kunwari ay wala akong ideya sa sinasabi nila o kung anuman ang gusto nilang sabihin.



Pinagmasdan niya akong mabuti at agad na sumagot, "Is there something going on between the both of you?"



I raised my eyebrows and i opened my mouth as if i'm shocked sa mga sinabi nila. Nagpanggap ako na naguguluhan sa mga sinasabi nila. I faked a laugh, "What? Me and Aims? Oh my God, you're kidding me!" Tumawa ako ng tumawa na kunwari ay natutuwa ako sa nangyayari. I maintained my act hanggang sa mapaniwala ko sila na walang namamagitan sa amin ni Aims.



"I'm sorry, Selena." sabi ni Tracy sa akin. "I really thought there's something."


I thought so too, Tracy. Akala ko rin. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya, "Wala 'no."



"You can't blame her, Selena." sabat ni Tiffany sabay tingin kay Tracy. "We all know Aims. Kaya siguro hindi niya iyon maiwasang isipin."



"Yes, i'm really sorry. I know Aims kaya siguro ganoon kaagad ang naisip ko sa inyo. Inisip ko pa na baka may nangyari na sa inyong dalawa. But i just realized that, i know Aims but i know you too. Kilala kita at alam kong hindi ka naman papatol kay Aims dahil sa ugali niya. Right?"




Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Tracy. Kilala nga nila si Aims pero mas kilala nila ako kaya alam nilang hindi ako papatol kay Aims. At ganoon rin ang pagkakakilala ko sa sarili ko. Alam ko na hinding-hindi ako kailanman papatol sa isang kagaya niya. Alam ko na hinding-hindi ako susunod sa isang lalaking walang ibang ginawa kung hindi maghanap ng babae. Alam kong hindi ko gagawin 'yon dahil hindi ako 'yon pero bakit parang hindi ko na yata kilala ang sarili ko ngayon? Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit tila pati pagkakakilala ko sa sarili ko ay nagbabago na dahil kay Aims. Hindi maaari. Hindi pwedeng ganito na kaagad ang nararamdaman ko. I can't lose myself just because of him.




Tumango ako kay Tracy, "Yep. Oo naman. Hindi ako ganoon. I will never fall in love with him."



-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon