XXIX - We're totally different.

1.4K 20 0
                                    

Selena

Nagising ako sa haplos ng mga sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Kinusot ko ang mga mata ko at nagdesisyon na bumangon na. I need to go to school. Kahapon ay umabsent na ako kaya ngayon ay kailangan ko ng pasok. I can't skip classes everyday. Umayos ako ng pagkakaupo at kinuha ko sa tabi ko iyong cell phone ko. I checked the time and it's still early pa naman. Makakaabot pa ako. Tumayo na ako at naglakad papuntang banyo habang binabasa ang mga texts doon. Mayroon pang iilang text si Aims pero hindi ko na iyon binuksan. Binasa ko ang kina Tracy at Toby.


Tracy: Friday night later!


Ngumisi ako. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Friday nga pala ngayon kaya malamang ay hindi nila palalampasin ito. Nagtype ako ng reply bilang pagsang-ayon sa kanya.


Toby: See you later!


Naalala ko na naman iyong hinihingi niyang pabor sa akin. Kailangan ay magawa na rin namin ito mamaya para na rin matapos na ito. Naging malaking tulong din iyong naging bayad niya.


Dumiretso na ako sa banyo at naglinis ng katawan. Kumain lang ako ng iilang cereals na matagal ko nang nabili. Kailangan talaga ay makapaghanap na ako ng mapagkikitaan kundi ay magugutom ako dito sa condo ko. Matapos kumain ay hinanda ko na ang sarili ko at nagpunta na sa eskwelahan.


Magkahalong malungkot at masaya ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papasok sa school namin. Nalulungkot ako dahil sa mga nakita kong larawan nila Aims at Kim kahapon. Nalulungkot ako sa selos at nalulungkot ako sa ideyang kailangan ko nang iwasan si Aims. Pero sa kabilang banda ay natutuwa naman ako dahil sa mga bagong karanasan na naranasan ko kasama sina Tracy. Sobrang saya ko noon at hindi na iyon matatawaran pa ng kahit na anong bagay. Masaya rin ako dahil sa wakas ay mas magiging komportable na ako sa school na ito. Mas magiging masaya at popular na ako. Nalilito ako at hindi ko alam kung ano bang pakiramdam ang mangingibabaw sa akin.


Pero isinantabi ko na lang iyon at nagpasya na sa ngayon ay magiging masaya muna ako habang naglalakad at pinagtitinginan ng iba't-ibang mga estudyante, babae man o lalaki. Ngumingisi ang ibang mga babae at kinikindatan naman ako ng ibang mga lalaki. Ako naman ay patuloy lang na taas noong naglalakad at hindi sila pinapansin. This is what i want. Attention.


Namuhay akong mag-isa at si Ron lang ang tanging nakasama ko. Ngayon, sisiguraduhin ko na lahat ng tao sa eskwelahan na ito ay makikila at mapapansin ako. Habang naglalakad ako ay namataan ko ang isang grupo ng lalaki na nakatingin sa akin. Hindi ko sila kilala at wala akong balak na kilalanin sila. Pinagmamasdan nila akong maglakad habang nakatingin sa damit ko na nakayakap sa aking katawan.


Ginawa ko ang sinabi nila Tracy. Nagsuot ako ng isang pulang dress na maiksi at hapit sa aking katawan. Kitang kita ang balikat ko dito sa suot ko. Pati na rin ang mga hita ko na pinapanood nila habang naglalakad ako. Yes, this is what i want. Iyong maging sikat at mapunta sa taas. Iyong maging popular at iyong may maraming kaibigan. At kung ito ang kailangan kong gawin, ay gagawin ko.


Umangat ang labi ko at nilagpasan ko sila. Dumiretso na ako sa unang klase bago pa ako ma-late. Pagpasok ko doon ay nakakuha na naman ako ng atensyon. Marahil ay dahil ito sa suot ko o kaya naman ay kilala na talaga nila ako dahil na rin doon sa nangyari noong party. Tinaasan ko sila ng kilay at umupo na sa dati kong upuan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko pagkaupo ko. Sa wakas, unti-unti ko na rin ito nararanasan. Sawa na kasi akong mapunta sa ibaba. Sawa na ako na binu-bully lang. Ngayon, ako naman ang mapupunta sa itaas. Salamat kina Tracy, dahil sa kanila ay mas lalo pa akong nakilala. Humugot ako ng malalim na hininga. Heto na iyon, hindi ko na 'to palalampasin pa. Gagawin ko ang lahat para makilala ako ng marami.


Hindi ko nakita si Ron sa una at pangalawang klase ko. Mabuti na rin iyon dahil umiiwas ako sa mga gusto niyang sabihin sa akin. May inis pa rin akong nararamdaman sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kinukwestyon na nag-club at sumama kina Tracy. Samantalang noong una ay siya naman itong nagsabi na mas maganda kung magiging kaibigan ko sila para mas maging open kami. Kaibigan ko pa rin siya pero ayaw ko munang magpakita sa kanya dahil baka pigilan pa niya ako na makasama sila Tracy mamaya. At hindi iyon pwede, mamaya ay magsasaya kami at siguradong sasama ako sa kanila. Kung talagang kaibigan ko siya ay dapat suportahan niya. Wala namang masama sa ginagawa namin. Tama naman ito para sa akin.


Lunch time na at naka-receive ako ng mensahe galing kay Tiffany. Aniya ay nandoon na daw sila sa cafeteria at naghihintay sa akin doon. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpasya na pumunta na doon para kumain.


Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong tatlong babae na nakatalikod sa akin at mukhang may pinag-uusapan. Pagkalagpas ko sa kanila ay narinig ko pa ang bulong ng isang babaeng blonde tungkol doon.


"I heard sa kanila daw natulog si Aims one time. And after no'n, hindi na siya lumapit sa ibang babae. Even Mika chased after him pero tinanggihan niya!"


Tumigil ako sa paglalakad. Nagpatuloy sila sa pag-uusap. "True? I was at the bar last wednesday. Nakita ko si Aims na sinundo doon si Selena! He even fought for her!" maarteng sabat nung isang babaeng may maiksing buhok.


"I think he's getting serious again. Sila na yata ni Selena. You know, parang 'yung kay Kim dati." ani nung isang babaeng may mahabang buhok. This time, pagkarinig ko sa ngalan ni Kim, ay hinarap ko na sila. Alam kong ako ang bida sa kanilang conversation.


"The last time i checked, ay single pa ako. Where did you get that rumor? Next time, make sure that i'm not around when you're talking about me." inirapan ko sila at tinaas ko ang kilay ko sa harap nila. Hindi naman na sila nagsalita pagkatapos no'n. Tumalikod na ako naglakad na nang may naalala ako. Humarap ako muli, "And lastly, don't you ever compare myself to Kim. We're totally different."


Dumiretso na ako sa cafeteria matapos yun. Hindi naman ako naiinis sa mga pinag-usapan nila. Kung gusto kong makilala, ay kasabay nito ang kaliwa't kanang rumors tungkol sa akin kaya dapat ay masanay ako. Nainis lang talaga ako noong narinig ko ang pangalan ni Kim at ikinumpara nila ako sa kanya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagkibit balikat ako at hindi na inisip ang mga iyon.

-

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon