VI - Conceal your feelings to take away the pain.

2.8K 33 14
                                    

Selena

"So dahil dun sa ex mo kaya ka naging heart breaker ngayon?" Sabi ko sa kanya.


Naghintay ako ng sagot sa kanya pero hindi siya nagsalita.


Tinignan ko siya at seryoso lang siya habang nagmamaneho.


So, yun nga yung dahilan?


Dahil nainlove na siya dati.


Kaya lang, nasaktan siya nung nakita niya yung babaeng mahal niya na nakikipag-make-out sa iba.


Dahil ganun naman sa school namin.


Kung gusto mong sumikat, kailangan mong gawin yun sa iba't ibang lalaki.


Siguro, ang gusto lang ng babae na yun ay ang fame.


Gusto niyang makilala sa school kaya niya ginawa yun kay Aims.


I felt bad for him. I've never been in a relationship before but i know how to love.


At yung isipin na ang taong mahal mo ay hindi ka mahal at makikita mong nakikipaghalikan sa iba ay sobrang sakit.


Maya maya pa ay nagsalita ulit siya.


"But that was a year ago. I moved on."


"Aba! Dapat lang no!" Sabi ko saka siya hinarap, "Kung sinaktan ka nun at wala siyang pakealam sayo, aba! dapat lang talaga na mag-move on ka na!" Pagkatapos ay hinampas ko yung harapan ng kotse niya.


Tumingin siya sakin ng parang naguguluhan.


"What the? Are you crazy?"


"Nadala lang."


"Tss." Tumingin siya sakin, "I've learned my lesson very well. Alam mo, dapat ganito na lang din ang gawin mo. Be a player. Para hindi ka na masaktan."


Ibinalik niya na ang tingin niya sa daan pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita,


"To avoid heart aches. Play with their feelings. Kung ikaw kasi yung maglalaro, hindi ka na mapaglalaruan. Pag alam mong pinaglalaruan ka lang, paglaruan mo din! Yun ang gusto niya eh. Conceal your feelings to take away the pain."


Conceal your feelings? To take away the pain?


I know he's right.


I need to do that to avoid pain.


But, if i would do it, i'm also taking away the happiness.


Kung gagawin ko 'yon, oo hindi ako masasaktan. Pero pag ginawa ko 'yon, alam kong hindi rin ako magiging masaya.


What should i do?


Teka! Ba't ba pinoproblema ko 'to?!


Kung anu-ano kasi tinuturo nitong si Aims sakin eh!


Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon