Selena
Naguluhan ako. Anong nangyari? Anong ibig sabihin nung kilos niya na iyon?
Nagtaka ako sa inasta niya. Hindi ko siya makuha. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating. Pinipigilan niya ang sarili niya at nag-iiwas siya ng tingin sa akin. Para bang nakagawa siya ng kasalanan at nahihiya siya dahil doon.
Bumuntong hininga ako. Pati ang sarili kong pakiramdam ay hindi ko na rin makuha. Hindi ko alam pero parang na-disappoint at nakulangan ako sa nangyari. May kung ano pa ring kuryente na kumikiliti sa buong katawan ko. Pero... bakit naman ako madi-disappoint?
Umiling ako at pilit inalis sa isipan ko ang mga bagay na iyon. Pilit kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko ang mga makamundong bagay na nararamdaman ko ngayon. Ugh! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
Hindi ako dapat nagkakaganito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil hindi niya naituloy ang balak niya. Dapat nga ay makahinga pa ako ng maluwag dahil hindi iyon nangyari. Ganoon dapat ang maramdaman ko. Hindi dapat ako nadi-disappoint.
Nanatili akong sa pagkakapwesto ko nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Dinig na dinig ko ang napakalakas na ulan sa labas.
Tumingin si Aims sa bintana. "Shit!" nura niya. "How can I fucking go home?" narnig kong bulong ni Aims sa kawalan. Umismid ako. Hindi ba talaga siya matitigil sa pagmumura niya?
Tumingin ako sa bintana. Sobrang dilim na at napakalakas ng ulan. Halos mabingi na din ako sa sobrang lakas ng kulog. Nakakatakot ang kidlat sa labas. Delikado ang magbyahe sa panahong ganito.
Ang bahay nila Aims ay katabi lang ng bahay nila Ivan at medyo malayo ito mula sa condo ko. Kinakailangan ko pang mag-taxi para lang makapunta doon.
Muling humarap sa akin si Aims. Tinitigan ko siya. Parang nangungusap ang mga mata niya para sa isang pabor. Bumubuka ang bibig niya pero walang lumalabas na salita doon. Parang nahihiya siyang magsalita.
Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit nahihirapan siya. Ngumisi ako. Ang isang Aims Avery, na kadalasan ay puro kagaguhan, ay nahihiya na humingi ng pabor sa isang tulad ko. Suminghap ako. Alam ko ang pabor na gusto niya. Natatakot lang ako dahil baka maulit pa ang nangyari kanina. Hindi ko na kaya. Baka sa susunod ay bumigay na talaga ako at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Baka kung ano pa ang mangyari.
Pero... hindi naman maatim ng konsensya ko na hayaan siyang maaksidente dahil sa lakas ng ulan. Malaki ang posibilidad na mangyari iyon sa kanya. Malabo at madulas ang daan. Madilim pa kaya mas mahihirapan siya. At, isa pa, paniguradong nakainom din siya sa birthday ni Ivan. Alam kong sanay na siya sa alak pero nakakatakot at baka may mangyari pang masama sa kanya.
"Selena..." tawag niya sa akin. Nag-iwas siya ng tingin.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ako nagsalita. Nagtaas ako ng kilay at hinintay ko siyang magsalita.
Huminga siya ng malalim. "Can i..." nahihirapan siyang magsalita. "Can i stay here?" aniya.
Sinasabi ko na nga ba. Napalunok ako. Wala namang mangyayari diba? Kung dito ko muna siya papatulugin, pwede ko namang i-lock yung kwarto ko. Hindi naman niya yun kayang pasukin, diba? Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng ganoon kapag siya ang kasama ko. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay kaya niyang gawin iyon sa akin.
Tumango ako para matapos na. "Okay." nagulat siya sa sinabi ko.
Tumayo ako at naglakad tungo sa kwarto ko. "You can sleep there..." tinuro ko ang sofa. Iisa lang ang kwarto sa unit ko dahil para sa akin lang naman talaga ito. "And, kapag tumila na ang ulan ay pwede ka ng umalis... kung gusto mo."
