XXXV - What happened...

1.6K 25 3
                                    

Selena

Naging tahimik ang byahe namin ni Aims. Hindi siya nagsasalita kaya minabuti ko na lang na hindi na lang din magsalita.



Tumingin ako sa bintana. Inaamin kong kinabahan ako kanina. Hindi ko alam kung ano ang naiisip nila Tracy kanina. Batid kong may gusto sila kay Aims at hindi ko alam kung ano ang iisipin nila sa akin ngayon. Tumitig ako kay Aims. Seryoso siyang nagmamaneho at walang emosyon sa mga mata niya. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na inalis sa utak ko ang mga bumabagabag dito. Wala akong dapat na intindihin. Mga kaibigan ko sila kaya dapat lang na matanggap nila kung si Aims man ang mahal ko. Dapat ay maging masaya sila sa akin...



Naging kampante naman ako nang naging maayos ang pakikitungo sa akin nila Tracy sa eskwelahan. Ganoon pa rin ang trato nila sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at inisip ko na lang na siguro ay naging ayos naman sa kanila ang tungkol sa amin ni Aims. Masyado lang siguro akong naging paranoid at inisip ko pa na hindi sila matutuwa para sa amin.



Simula pa lang sa pagpasok ko ay magkasama kami ni Aims. Kanina ay naabutan ko siyang naghihintay sa gate para sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya at nagliwanag naman ang mukha niya nang nakita niya ako.



"I've been waiting for you." ngumiti siya.



Napalingon ako sa likod niya at natanaw ko ang iilang mga school mates namin na nagbubulungan. Hindi ko sila pinansin at itinuon ko ang buong atensyon ko kay Aims. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami nagtungo sa room namin.



Nang dumating ang lunch break ay agad akong tumayo at nag-ayos ng gamit. Kanina pa naghihintay sila Tracy sa akin sa cafeteria. Tumayo din si Aims at sumunod sa akin. Paglabas namin ng room ay hindi nakatakas ang mga kamay ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa. Hinawakan niya ito ng mahigpit. Napalunok ako at tumingin kay Aims.



Naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero nang lumingon ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Ngumuso siya at kinagat ko ang labi ko nang mamataan ko ang namumula niyang mukha. Napangisi ako at tinahak namin ang daan patungong cafeteria.



Pagdating namin doon ay nakita ko agad sila Tracy sa dati naming table. Pinalilibutan silang dalawa ng maraming tao. Nagtatawanan ang mga taong nandoon. Tuwang-tuwa din sila Tracy at Tiffany sa nangyayari. May nakita pa akong nagbalibag ng isang coke in can doon sa lalaking nakayuko na siyang pinalilibutan nila ngayon. May hawak itong tatlong libro at nakasuot ng salamin. Hindi ko siya kilala. Umiiyak siya at may mantsa ng kulay tsokolate ang polo niya. Panay ang hikbi niya at nagtatakbo siya palabas ng cafeteria.



"Ang lakas ng loob mo na pumasok dito ha!" pahabol na sigaw ni Ivan doon sa lalaking malamang ay pinagtripan nila. Nagtawanan sila ng malakas.



Ngumisi ako at hindi na pinansin iyong nangyari. Dumiretso ako sa counter at bumili ng pagkain. Hinarang ako ni Aims. Kumunot ang noo ko.



"What?" tanong ko sa kanya.



Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "I'll buy your food."



Tumanggi ako. "No. I can buy my own." pilit ko siyang pinaaalis sa harapan ko pero hindi ko kaya. Kumuha siya ng isang tray at nagsimulang kumuha ng mga pagkain doon.



Matalim niya akong tinitigan. "You can, but i won't let you." umiling siya. "Search for our seats. I'll get your food." utos niya.



Humugot ako ng malalim na hininga at sumunod na lang sa kanya. Namataan kong magkakasama sila Tracy, Tiffany at Ivan sa isang table. Pang-anim na tao ang table nila kaya naman naisipan kong doon na lang kami umupo ni Aims. Tutal naman ay kaibigan niya si Ivan.



Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon