XX - They're jealous.

1.9K 23 0
                                        

Selena
      

Umupo ako sa sofa at pinanood si Aims na pulutin ang mga nabasag na plato. Nilagay niya ang lahat ng iyon sa tray. Nakaluhod siya habang ginagawa niya ito. Tumingin siya sa'kin. Nagulat ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. I bit my lower lip and smiled at him awkwardly. Pero hindi siya gumanti ng ngiti sa 'kin. He's just looking blankly at my face. He's so serious. Tumagal pa ang tingin niya sa'kin ng bigla siyang nag-iwas ng tingin.
      




What was that? What's going on? He looks... sad?      





I badly want to know why. Gustong gusto kong itanong kung bakit ganoon ang naging ekspresyon niya pero hindi ko mahanap ang tamang salita para tanungin siya.

      



He's acting strange. Ang hirap basahin ng mukha niya. Ang hirap kilalanin ng personality niya. Minsan, napaka-playboy, palabiro at masayahin then one second biglang magagalit and then now, ang lungkot lungkot niya.
      




Tumayo na siya nang nasigurado niya na maayos na ang sahig at wala nang mga bubog. Kinuha niya yung tray at lumapit siya sa trash can para itapon yung mga nabasag na pinggan.

      



Umayos ako ng upo at nakita ko 'yung laptop ni Aims na nakalagay sa table dito sa sala nila. Tumingin ako kay Aims, "Aims?"

      



"Yes?" he answered without looking at me. Tinanggal niya na ang apron niya at binalik ito sa pinagkuhanan niya.

      



"Can i," tumingin siya sa akin. Ugh, nakita ko na naman yung abs niya. I looked away at tinuro ko yung laptop niya, "Can i borrow your laptop?"

      



"Yeah. Sure." Tumango siya sa 'kin. "Inilabas ko yan cause i think we can start our thesis since we have a lot of time today." he said. I just smiled at him. "I'll just go upstairs. I'll take a bath at ihahanap na rin kita ng pwede mong pamalit." Pagkatapos nun ay hindi na niya ako hinintay na sumagot at umakyat na siya papunta sa kwarto niya.

      



Kinuha ko 'yung laptop niya at naalala ko na binigyan nga pala kami ng thesis kahapon at kami ang magka-partner. So, pwede na namin itong simulan ngayon since magkasama naman na kami. Para na rin makatapos kami kaagad sa thesis na 'to.
      





But, wait. Binigyan kami ng thesis kahapon? NSTP ang subject ko kahapon?

      



Dali-dali kong binuksan ang laptop niya at napasampal ako sa mukha ko sa nakita ko. Shit! Tinignan ko 'yung oras at date. Thursday ngayon and it's already 10:45!!! May pasok ako ngayon at 7 am ang start ng klase ko! Sobrang late na ko. Major subject pa naman ang klase ko the whole day and hindi na nagpapapasok ng late ang prof ko doon sa subject na 'yun.

      



Yumuko ako at pumikit. Okay lang naman siguro na um-absent muna ako ngayon diba?

      



Hinanap ko agad sa laptop kung nasaan yung browser. Naalala ko si Tracy at Tiffany. I want to talk to them kung ano na ang nangyari sa kanila kagabi kaya lang naalala ko na wala akong dalang phone kaya hiniram ko ang laptop ni Aims para makapag-online sa facebook. Bigla na lang kasi akong nawala sa club kagabi at hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. I hope they're okay.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon