III - You should always answer a favor with a favor.

4K 58 0
                                        

Selena



Sinabi ni Ron sa akin na pupuntahan niya pa daw si Mika. Sandali akong natahimik pero hinayaan ko na lang din siya. Nakapagdesisyon akong umuwi na lang dahil tapos naman na ang plano namin.



Naglakad ako papalabas ng bahay nila Ivan. Mukhang naging maayos naman ang pinlano namin. Mukhang successful naman ito. Buti na lang. Huminga ako ng malalim. Sana ay maging masaya si Ron.



Papalabas na ako ng pinto pero natigilan ako ng biglang may humigit sa kamay ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Kumunot ang noo ko at dahan dahan kong nilingon kung sino ba iyon.



Halos mapatalon ako sa gulat at nerbyosin. Napaawang ang bibig ko nang maalala ko ang ipinangako ko sa kanya kanina na gagawin ko kung ano man ang gusto niya kapalit nung pagligtas niya sa akin kanina. Ugh! Akala ko ba naman ay makakatakas na ako sa kanya.



Mabilis ang kanyang paghinga na para bang nanggaling pa siya sa isang karera. Napalunok akobsa reaskyon niya. Kinabahan ako sa di ko malamang dahilan. Kinagat niya ang labi niya at marahang napapikit. Nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko. Bayolenta siyang humugot ng hininga at ramdam ko ang pag-iinit ng katawan niya. Nakatitig siya sa akin pero parang may iba siyang naiisip. Pulang-pula ang kanyang mukha.



Pinilit ko ang sarili kong magsalita. "Aims..." tawag ko sa kanya.



Sa ginawa kong iyon ay para umawang ang bibig niya at nanggigil ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bumaba ang tingin niya mula sa ulo ko hanggang sa paa. Pansin ko ang pagtagal ng titig niya sa katawan ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Nagwala ang sistema ko at nanghina ang tuhod ko sa mga titig na iyon. Mabilis ang kanyang paghinga. Nag-iwas ako ng tingin at hinatak ko ang braso ko para makaalis na pero mas humigpit ang pagkakahawak niya dito.



"I'm going home..." sabi ko. "Bitiwan mo ako."



Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya para makita kung ano ang reaksyon niya. Kinagat niya ang kanyang labi. Nakatingin lang ako sa kanya. Umawang ang kanyang labi na para bang may sasabihin siya pero hindi niya naituloy. Nagpumiglas ako at pinilit kong hatakin ang braso ko pero hindi ko pa rin kinaya.



Hinawakan niya na ngayon ang magkabila kong braso. Tinitigan niya ang mga labi ko. Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa akin saka nagsalita. "You're so wild. Wow..." aniya.



Nanlaki ang mga mata ko. Wild? Anong ibig sabihin niya? Anong wild? Bakit naman ako naging wild?!



Napangiwi ako at halos sabunutan ko na ang sarili ko sa na-realize ko. Shit! Don't tell me...



Oh my God! Dahil ba iyon sa naging plano ni Ron? Kaya ba sinabi niyang 'wild' ako? Shit! Masyado bang naging kapani-paniwala yung ginawa namin ni Ron kanina?



Napailing ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nag-aalab ang mga mata ni Aims sa akin habang pinagmamasdan niya ako. Nag-igting ang kanyang panga. Fuck... i'm in danger.



"Sabi mo kanina... you'll give me what I want." tumaas ang kanyang kilay. Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go."



Nagpumiglas ako. Kinakabahan ako. "Saan mo 'ko dadalhin?"



Hindi siya nagsalita. Tinangay niya lang ako. Mabilis ang paglalakad niya. Maya-maya pa ay tumigil na kami sa harap ng pintuan ng isang kwarto na nasa tabi ng kusina... yung kwarto kung saan kami nanggaling ni Ron.



"Anong ginagawa natin dito?" sabi ko agad sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.



"You will do me a favor..." mabilis na sagot niya. "Sabi mo kapalit ng favor ko sa'yo kanina, gagawin mo kung ano gusto ko." sabi niya habang binubuksan ang pinto ng kwartong iyon. Nagmamadali siya. "Remember, always answer a favor with a favor." may awtoridad sa kanyang boses.



Virgin No MoreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon