Selena
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko.
I opened my eyes.
"Oh. Shit."
"Ahh!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat ko dahil pagkadilat ko ay sobrang lapit ng mukha ni Aims sa 'kin.
Ngayon ko lang naalala 'yung nangyari kagabi.
Tumingin ako kay Aims. Hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso. Namumula ang mukha niya at sobrang hot niyang tignan lalo na at boxer shorts lamang ang saplot niya sa katawan.
Ugh. Ano ba 'tong iniisip ko?!
"Uhh, sorry." Sabi niya habang nakayuko at nagkakamot ng batok.
Umupo ako sa kama. Nginitian ko siya, "It's okay. Sorry din sa nangyari kagabi."
Tumingin siya sakin. "Okay lang yun."
Gusto ko pang magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa 'yun. Kung bakit niya ako kinuha sa club kahapon. Kung bakit niya sinabi yung mga sinabi niya kagabi.
Gusto kong magtanong pero nahihiya ako.
Nagsalita ulit siya, "Just don't do it again."
Halos bulong lang 'yung pagkakasabi niya doon pero dinig na dinig ko pa rin.
Napayuko ako. Nahihiya ako sa kanya.
Ugh. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Para bang nagi-guilty ako dahil sa ginawa ko.
Wala naman siyang karapatan para pagbawalan ako pero bakit parang nagsisisi ako dahil ginawa ko 'yun at gusto ko na lang sumunod sa mga sinasabi niya.
Bumuntong hininga siya at may kinuhang tray sa gilid ng kama niya. Kwarto niya siguro ito dahil may nakita akong isang picture niya na naka-display sa gilid. Masayang masaya siya sa litrato na 'yun at may kasama siyang isang babae at isang lalaki. Sila siguro ang mga magulang niya. "Here." Iniabot niya ang tray na may lamang mga pagkain. "I cooked for you. Kumain ka muna dyan. Ubusin mo 'yan, ah. Doon lang ako sa baba."
Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na biglang uminit ang mukha ko. Namumula na yata ako. Shit! Wag naman sana niyang mahalata.
"S-salamat." Yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko akalain na gagawin ni Aims 'to para sakin. Sanay pala siyang magluto.
Nginitian niya ako at lumabas na ng kwarto.
Pagkasarado niya ng pinto ay hindi ko na napigilan ang paglaki ng ngiti ko. Kinuha ko ang unan at pinangtakip ko ito sa mukha ko. I feel so lucky.
Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ba itong nararamdaman ko sa tiyan ko. Para bang may mga lumilipad o umiikot dito ko kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakangiti ako habang kumakain. Ipinagluto niya ako ng fried rice, hotdog, bacon at egg. Ang dami ng inilagay niya sa tray. Dalawang plato ang nakalagay dito. Yung isang plato ay puno ng hotdog, bacon at egg samantalang yung isa naman ay punung-puno ng fried rice.
What the? Kaya ko bang ubusin to?
Ubusin mo yan, ah.
Parang narinig ko ulit na nagsalita si Aims sa mga tainga ko. Ugh! Bakit ganun? Tuwing nagsasalita siya ay parang gusto ko na lang na sundin lahat ng sinasabi niya. Para bang may authority sa mga boses niya at hindi ako matatahimik kapag hindi ko ito sinunod.
Inubos ko lahat ng pagkain na nasa tray gaya ng sinabi niya at ininom ko ang juice na binigay niya rin sa 'kin.
Inayos ko ang sarili ko at yung kama na pinaghigaan ko. Kinuha ko ang tray at nagpasya na lumabas na ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto ni Aims ay namangha ako sa sobrang ganda at laki ng bahay nila.
Kulay brown at white ang buong bahay nila. Sobrang laki. Pagkalabas ko ay natanaw ko ang ibabang parte ng bahay nila at sobrang lawak nito.
Nasa second floor ako ng bahay nila. Puro rooms lang ang nandito bukod sa isa pang maliit na sala.
Sino kaya kasama niya dito sa bahay? Bakit parang wala akong nakikita na kahit isang kasama niya rito. Wala ba silang katulong? Yung mga magulang niya? Kapatid? Tila mag-isa yata siya rito.
Nakakalungkot naman na mag-isa ka sa ganito kalaking bahay. Mag-isa lang din naman ako sa condo ko pero di hamak na mas malaki ito kumpara doon.
Nagpunta ako sa hagdan at bumaba na.
Hindi kaya siya nabo-bored dito?
Uhh, knowing Aims. Ilan na kaya ang nadala niya dito sa bahay nila? Ilang babae na kaya ang nakapasok rito?
Tumingin ako sa kwarto niya na pinanggalingan ko...
At ilang babae na kaya ang nakapasok sa kwarto niya? At nakatungtong sa kama niya?
I shook my head. Ugh. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa naisip ko na 'yun.
No. Hindi ko naman dapat iniisip pa 'yun.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa kusina para ilapag ang mga pinagkainan ko.
Naabutan ko doon si Aims na naghuhugas ng mga pinggan. Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi niya ako napapansin.
God, is he even real?! Likod pa lang niya ang nakikita ko pero hindi ko na mapigilan ang mamangha.
Nakasuot pa rin siya ng boxers niya pero ngayon ay naka-apron na siya.
Pinagmasdan kong mabuti ang likod niya. Muli ay may naramdaman na naman akong mga makukulit na bagay sa tiyan ko. Ang lilikot nila at dahil dun ay nanghihina ako.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. He stretched his arms para maibalik sa dating lalagyan ang dishwashing liquid na ginamit niya. Bawat pagkilos niya ay mahahalata mo ang mga muscles niya. Napalunok ako dahil sa naiisip ko.
Shit. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa nakikita ko ngayon.
Nanginig ang mga kamay ko at bigla na lang nadulas yung hawak kong tray.
Nagulat siya nang narinig niya na may nabasag na mga pinggan at bigla siyang humarap sa pwesto ko.
I bit my lower lip. Nakakahiya!!
"I'm sorry." Sabi ko at dali-dali akong lumuhod para pulutin 'yung mga nabasag na pinggan.
Agad naman siyang tumakbo papunta sa akin. "No! Don't touch it!" Pagkalapit niya sa akin ay kinuha niya ang kamay ko at itinayo ako. "Stay away. Ako na ang bahala dito. Baka mabubog ka pa." Pagkasabi niya nun ay hinila niya ako at pinaupo ako sa sofa.
"Ako na. It's my fault." Tumayo ako at lumapit ulit sa kanya.
"I said stay away." he said. He looked intently in my eyes. Muli ay nakaramdam ako ng awtoridad sa mga boses niya. Kahit na ano ay gagawin ko kapag sinabi niya kaya sinunod ko na lang siya. Bumalik ako sa sofa at naupo na lang doon. "Stay away. Baka masaktan ka lang."
I nodded at him.
-

BINABASA MO ANG
Virgin No More
Roman d'amour[COMPLETED] In a school where virgins are being bullied...