XLIV - I miss you.

903 12 0
                                    

Selena



Nagkabuhay ako nang marinig ko ang boses ni Aims. Nakatulala lang si Ivan at tila hindi na alam ang gagawin. Maya-maya lang ay nabuksan na ni Aims ang pinto gamit ang kanyang lakas.



"What the fuck, Ivan!" bungad ni Aims kay Ivan. Namumula na ang kanyang mukha sa galit. Nakakuyom ang kanyang kamao.



"Bro." sabi ni Ivan. Hinarang niya ang dalawang kamay niya kay Aims.



Nag-igting ang panga ni Aims. Sinuntok niya si Ivan at napaupo ito sa sahig. "I'm gonna kill you." Galit na galit ang tono ng boses ni Aims.



Sinipa ni Aims ang tiyan ni Ivan at napahiga ito sa sahig. Hinawakan niya ang leeg ni Ivan at iniangat niya ito pagkatapos ay sinuntok niya ito sa tiyan. Ilang beses niya pang sinuntok sa mukha si Ivan hanggang sa magdugo na ang labi ni Ivan.



"Aims, tama na." sabi ko. Nakakaawa na tignan si Ivan. Malala na ang sugat niya at bugbog sarado na siya.



Seryoso ang mukha ni Aims. "I'm not going to stop!" lumingon siya sa akin at umiling. Binalik niya ang tingin niya kay Ivan. "I'm gonna get on my beast, and I'm going to kill him! I'm going to knock this son of a bitch Ivan's ass so hard until he wishes to die." Sinuntok niya si Ivan sa mukha at sinipa niya ito sa tiyan. "You fucking idiot!"



Pulang-pula na ang mukha ni Aims sa galit. Matatalim ang mga tingin niya kay Ivan.



Sinipa ulit ni Aims si Ivan sa tiyan.



"It's not my fault! Napag-utusan lang ako." Sabi ni Ivan. May mga dugo na na lumalabas sa bibig niya.



Nag-igting ang panga ni Aims. Hinawakan niya si Ivan sa leeg at iniangat ito. Isinandal niya ito sa pader at nakasakal ang kamay niya sa leeg ni Ivan. "Then who the fuck told you to do it, huh?"



Nag-iwas ng tingin si Ivan.



Mas diniinan ni Aims ang pagkakasakal niya kay Ivan. "You're gonna fucking tell me who is it or you'll gonna die." Sabi ni Aims.



"I-It's Tracy." Nahihirapan na magsalita si Ivan dahil sa pagkakasakal ni Aims pero nagawa pa rin niyang masabi ito.



Nagsalubong ang mga kilay ko. Naalala ko ang sinabi ni Ivan kanina tungkol sa pagpapapunta sa kanya ni Tracy dito sa room #3.

Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon