XXXI - I care for you...

1.7K 25 4
                                    

Selena

Matapos yun ay hindi na ako nakabalik sa aking sarili. Nakita ko si Ron sa huling klase ko pero hindi ko na siya nagawang lapitan pa sa dami ng mga naiisip ko. Maghapon akong tulala dahil sa nga bumabagabag sa isipan ko hanggang sa natapos na ang klase.




Pagkauwi ko ay inayos ko ang sarili ko at naghanda para sa lakad namin nila Tracy. Binilisan ko ang pag-aayos dahil paniguradong maya-maya lang ay nandito na sila. Nagpunta ako sa kwarto at nagbihis. Nagsuot ako ng isang black funnel neck peplum dress na hapit sa katawan ko. Nag-ayos ako ng aking buhok at naglagay ng make-up at palamuti sa buong katawan. Kinuha ko ang pouch ko at nilagay doon ang cell phone at iyong pera ko. Kakaunti na lang itong ipon na natitira sa akin. Bumuntong hininga ako. Makakakuha din ako ng pera. Hindi ko pa nga lang alam kung papaano.




Sinundo ako nila Tracy at dumiretso na agad kami sa isang bar. Nang nakarating kami doon ay namangha agad ako sa mga kakaibang ilaw sa labas pa lamang ng bar na iyon. Nagmamadali silang lumabas doon. Ganoon din ako. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko ulit mag-party. Gusto ko ulit magsayaw. Gusto ko ulit maging masaya. Sa tingin ko ay kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa sa pagpunta sa mga bar na gaya nito. Palagay ko ay hahanap-hanapin ko ito.



Iba ang bar na ito sa una naming napuntahan. Ani Tracy ay mas marami daw ang mga sikat na nagpupunta dito. Mas malaki ito at mas magarbo ang disenyo kumpara sa nauna naming pinuntahan. Mas nadagdagan ang aking pananabik.




Sumalubong sa amin ang nakakabinging ingay ng music na umaalingawngaw sa buong bar, nakadagdag pa dito ang mga hiyawan ng mga tao na nagsasayaw na ngayon sa dance floor. Nagulat ako sa mga nakita ko. Ang ilan doon ay pamilyar sa akin. Nakita ko ang iilan sa mga kilala kong sikat na modelo at ilang mga artista. Talagang marami ang nagpupunta sa bar na ito.




Madilim na sa loob ng bar at iilang mga ilaw na nagsasayaw na lang ang lumiliwanag doon. Mas lumalalim na rin kasi ang gabi at mas dumarami na lalo ang mga tao. Dumiretso kami sa isang sofa doon. Marahan akong pumikit at bumuntong hininga. Nanatili ang mga mata ko sa tatlong babae na naghihintay na sa amin doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko.




"Guess what? Kanina pa kami naghihintay dito. You all really love being late, huh?" bungad sa amin ni Cherry. Nakasuot siya ng kulay maroon na dress na bumagay sa kutis niya. Hapit ito at nililitaw nito ang mahahaba niyang hita.




Tinaasan siya ng kilay ni Tracy, "Duh? Halos ngayon pa lang nagsisimula ang party." umupo siya at ganoon din ang ginawa namin ni Tiffany.




Umismid si Danica at inirapan lamang si Tracy. Naka-kulay pula siyang tube dress ngayon na mukhang isang kalabit ko lang ay lalaglag na ito sa pagkakasabit sa kanyang dibdib.




"Let's drink!" Napalunok ako ng narinig ko ang boses na iyon. Tinignan ko siya. She crossed her legs habang tinuturo sa amin ang mga liquors na nasa mababang mesa. Bagay na bagay sa kanya ang kulay green na dress na suot niya ngayon. Pinapakita nito ang kanyang proud na proud na dibdib at ang kanyang mahahabang hita. She looks so sexy. Kahit sinong lalaki ay lilingunin siya kapag nakita siya ngayong gabi. Tumingin ako kay Kim. Kumuha siya ng isang baso na naglalaman ng colorless na liquid. Hindi ko na maalala kung ano iyon. Ito rin iyong binigay niya sa akin noong nakaraan. Iniabot niya itong muli sa akin. "Drink?"




Ngumiti ako at agad itong tinanggap. Ininom ko agad ito. Pinagmamasdan niya ako habang ginagawa ko iyon. Hindi ko makita kung ano ang ekspresyon ng kanyang mga mata.




"Looks like kanina pa nga kayo dito. Wow, ang dami niyo nang nainom!" Sabi naman ni Tiffany nang napansin na marami nang baso ang nakakalat doon sa mesa.




Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon