XXXII - You're so numb.

1.7K 24 11
                                    

Selena

Nakarating kami sa bahay ni Aims. Ipinasok niya ang kanyang sasakyan at dali-dali itong ipinarada sa kanyang garahe. Hindi siya agad bumaba at nanatili lamang doon sa inuupuan niya. Ganoon din ang ginawa ko. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin siya sa kanyang harapan at nanlilisik ang mga mata. Para bang may nangyayaring hindi maganda sa kanyang harapan kaya ganoon na lang ang pagkagalit ng mga mata niya.





Nagulat ako nang bigla siyang tumadyak at kinalampag ang kanyang manibela. "Fuckshit!" mura niya.





Binalot ako ng aking kaba. Hindi ako nagsalita at pinanood lamang siya. Humarap siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay punung-puno ng lungkot at galit.





"Fuck..." mura niya. "What if hindi kita nakita sa bar, ha? Paano kung..." nauutal siya at hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Suminghap siya at nag-iwas ng tingin. Humugot siya ng malalim na hininga at nagsalitang muli. "Paano kung hindi kita inilayo dun? Do you think maganda ang mangyayari sa 'yo? Ha? Paano kung hinayaan lang kita dun? Paano kung tinangay ka nung lalaki na yun at hindi ko na kayo makita? Paano kung may mangyaring masama sa 'yo? Paano kung hindi ako ang kasama mo ngayon, ha, Selena? Shit!" nag-aapoy ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang mukha. Napalunok ako. Parang pamilyar sa akin ang mga katanungan na ito.





Hindi ako makasagot. Natatakot akong magkamali sa mga sasabihin ko. Ayokong madagdagan pa ang galit niya.





Bumaba siya at tinanggal ko naman ang seatbelt ko. Binuksan ko ang aking pinto at bumaba na ako sa kanyang sasakyan. Sumunod ako sa kanya. Nagmamadali siya sa paglalakad. Pumasok siya sa loob at ganoon din ako. Madilim na doon at tanging ang ilaw na lang sa sala ang bukas at siyang nagbibigay ng liwanag sa buong bahay.





Mabilis ang paghinga niya. Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa sala. Naupo siya sa sofa at yumuko. Mukhang naiinis at nag-iisip siya ng kanyang mga sasabihin sa akin. Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan ko lang siya ng ganoon. Kinakabahan ako.





Maya-maya pa ay tumingala siya sa akin at tumayo. "Just don't do that again, please." mahina ngunit madiin ang pagkakasabi niya. Pinipigilan ang sariling mapasigaw.





"Do what?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.





Umawang ang kanyang biig. Nag-igting ang kanyang mata. "Dancing with other guys, Sel. Can't you see, he's taking advantage of you!" sigaw niya. Tinutukoy niya iyong lalaki na kasayaw ko kanina.





"He didn't." tanging nasabi ko.





"He's a pervert! Pagsasamantalahan ka niya! And, God, he can't remove his eyes off your body! He's staring at you like he owned you!" nilamukos niya ang kanyang mukha sa inis.





Ngumiwi ako. "Nobody owned me." sambit ko dahil iyon naman ang totoo.





Tinitigan niya akong mabuti. Kumunot ang kanyang noo at pansin ko ang hapdi sa mga mata niya. Bayolente ang kanyang paghinga at mapupungay na ang kanyang mga mata. He lips were tightly pursed. Kinagat ko ang labi ko. Para bang may nasabi akong mali.





Tumango siya, "Yes. I am just concerned." sabi niya. Malumanay at mahina ang pagkakasabi.





"I'm sorry." sabi ko. Sandali akong napapikit. Hindi ko na napigilan. I feel so guilty. Hindi ko alam kung bakit. Para bang may nagawa akong kasalanan at hindi ako patatahimikin nito kung hindi ako hihingi ng tawad sa kanya. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya. Hindi ko maintindihan.





Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon