XXXVII - I can explain.

1.8K 29 3
                                    

Selena

Matapos akong maligo ay umupo ako sa upuan na nasa harap ng aking salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko at tinitigan ko ang mga mamahaling palamuti at mga make-up na nasa harap ko.



Ngayon iyong party sa bahay ni Clark. Susunduin ako ni Aims gaya ng sinabi niya. Gagawin na namin ni Drake ang plano niya at magkikita-kita kami doon nila Tracy.



Bumuntong-hininga ako at nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko nang naalala ko sila Tracy. Hindi ko alam kung bakit. Para bang kinakabahan na ako sa tuwing maiisip ko na magkikita kami. Naiilang ako.



Kinuha ko ang lipstick ko at pinahid ito sa labi ko ng dahan-dahan. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang ginagawa ko iyon. Kulay pula ang lipstick na napili ko. Bagay na bagay sa itim na damit na susuotin ko.



Ngumisi ako habang nakatingin sa salamin. Malaki na ang nagbago sa itsura ko. Kung dati ay hindi ako naglalagay ng mga palamuti sa mukha, ngayon ay sanay na sanay na ako.



Ngumiti ako. Masaya ako dahil natutunan ko ito. Dahil dito ay nagkaroon ako ng mas malaking tiwala sa aking sarili. Dahil dito ay nakuha ko ang atensyon na ninanais ko dati pa. Masaya ako sa kung ano man ako ngayon.



Kinuha ko ang iba pang make-up na nandoon at inilagay ito sa mukha ko. Binagay ko ito sa damit na susuotin ko. Itim ang napili ko at medyo mahaba ito kumpara sa mga damit na sinusuot ko dati. Ayon sa gusto ni Aims.



Matapos kong maglagay ng make-up at magsuot ng kwintas at kung anu-ano pang accessories ay narinig ko ang pagkatok sa pinto ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pagbuksan iyon. Kinuha ko na ang pouch ko. Si Aims na siguro iyon.



Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ko siya ng isang matamis na ngiti. Nginitian din niya ako at pinagmasdan niya ang dress na suot ko. Sandaling kumunot ang noo niya at bumuntong hininga. Kinuha ko naman ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa ko. Sinarado ko na ang pinto ng condo ko at hinatak ko na siya papunta sa kotse niya.



Pinagbuksan niya ako at sumakay na ako agad. Lumipat siya sa kabila at sumakay na din. Pagkaupo niya ay tumingin siya sa wrist watch niya. "You're home by 11." aniya.



Napaawang ang bibig ko. "What?" i checked my watch. "It's already 8 o'clock! Three hours lang?" komento ko.



"Yes. Three hours lang." matigas ang boses niya at tinaasan niya ako ng kilay. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas na ng tingin. Alam kong wala na akong magagawa.



Ugh! Kailangan kong bilisan ang mga dapat kong gawin. Tumingin ako sa bintana. Hindi ko naman na siya makokontra pa. Naisip ko na kaya naman sigurong matapos yon bago mag-11. Gustuhin ko man maki-party sa kanila ay mukhang hindi ako papayagan nitong kasama ko. Ngumisi ako.



Namangha ako ng makarating kami sa bahay ni Clark. Hindi ko siya kilala pero mukhang sobrang yaman nga nila. Malaki ang bahay nila at sa labas pa lang ay rinig na ang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay.



Pinagbuksan ako ni Aims ng pinto. Bumaba ako at kinuha niya ang kamay ko. Inayos ko ang sarili ko at sabay kaming naglakad papasok sa malaking bahay na ito.



Tanaw ko na ang mga masasayang mga schoolmates ko. Nagtatawanan sila at nagsasayawan. Maraming tao sa pool area. Kumpol kumpol ang mga nag-iinuman doon. Humigpit ang hawak ni Aims sa kamay ko.



Pagpasok namin ay nakita ko na agad sila Tracy sa loob ng bahay. Magkakasama silang tatlo nila Tiffany at Ivan. Pansin ko na napapadalas yata ang pagsama ni Ivan kay Tracy. Ngumisi ako. Hindi ko alam kung tama ang naiisip ko pero marahil ay iyon nga ang dahilan. Hindi nga lang ako sigurado kung posible bang magseryoso sila sa isa't-isa.



Virgin No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon