"Group yourselves into two!"
Tiningnan ko ang mga kaklase kong nagkakagulo. Lalapitan ko na sana ang walang kapares kong kaklase pero lumayo lang siya sa akin nang makitang papalapit na ako sa kanya.
Tumigil ako sa gitna ng classroom namin. Umupo ako sa sahig at umiyak sa pinakamalakas na boses kaya natigil ang paglalaro na ginawa.
"Partner na lang tayo, Amanda."
Kinusot ko ang mga mata ko at tiningala ang lumapit na kaklase sa akin.
"I don't like her, Joseph. Her mother stole my father. Lalapitan mo pa rin ba siya?"
Mas umiyak lang ako dahil sa sinabi ng kaklase ko. Hindi mang aagaw ang Mama ko.
"Ay, huwag na lang pala."
Umalis sa harapan ko ang kaklaseng gusto akong maging partner pero ngayon ay agad na nagbago ang isip.
Wala man lang gusto akong isali sa laro. Gusto ko lang naman makisali sa laro nila.
"Nakita ko. Kasama ng Mama niya ang Papa ko. My mom cried every night because her mother destroyed our family."
"Kabit ang Mama mo, Amanda?" Malakas ang boses na tanong ng isa ko pang kaklase.
"I hate you, Amanda! You ruin our family," she shout.
I covered my ears.
Ang sabi ni Lola ay dapat hindi ako iiyak sa simpleng bagay pero kapag ganito na ang naririnig ko, hindi ko lalo mapigilan ang umiyak.
Iyakin ako kaya palagi nila akong nakikitang umiiyak kahit na hindi naman masyadong masakit ang ginagawa nila sa akin.
Hindi kabit ang Mama ko.
"Yuck!"
"Ayaw namin sayo!"
Kahit na tinakpan ko na ang tenga ko ay naririnig ko pa rin sila.
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa tenga nang maramdaman ang maramahang pagyugyog sa akin.
Kita ko ang isang batang lalaki. Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon. Mukhang galit na tiningnan ako.
"Bakit ka umiiyak?! Ang hina mo! Dapat sipain mo o di kaya pagbabatuhin mo!"
Tumayo siya at hinarap ang mga kaklase ko.
"Kung ayaw niyo sa kanya edi mas ayaw niya sa inyo! Maganda siya kaya dapat hindi niya kayo nilalapitan! Ang ingay niyo!"
Napakurap kurap ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya.
"Tayo nga diyan!" Mahina niya akong sinipa kaya dali dali akong napatayo. "You're too weak that's why they always bully you."
"Thank you," I said as I wiped my tears using my hands.
"Pangit mo!"
Lumabas siya ng classroom kaya dali dali akong napasunod sa kanya. Nagpupunas pa rin ng mga luha.
"Wait!"
Tumakbo siya kaya nakatakbo na rin ako para masundan siya.
"I wanna be your friend!"
"No!" Sigaw niya pabalik.
Palabas na siya ng paaralan kaya napatigil ako. Nasa loob pa ng classroom ang bag ko pero ayaw ko nang bumalik doon.
Ngumiti ako at tumakbo ulit.
"Gusto kitang maging kaibigan!"
"Ayaw ko sa iyakin!"
That's how I met my childhood friend. He's harsh at the time, but he saved me. He is the only one who saved me from the hate that my classmates feel for me.
We were both in grade one when we met each other.
_______
-Rain
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...