"Sabing huwag kang magpapabasa!"
Nagkunwari akong mahimbing ang tulog. Mataas ang lagnat ni Aubrielle dahil sa pagligo niya sa ulan at hindi pa ako pinalampas ng ulan. Katulad ng kapatid ko ay nilalagnat din ako.
Kalahating katawan lang naman ang nabasa sa akin. Bakit buong katawan ko ang nilalagnat? Dapat kalahati lang din.
"Pinapasakit niyo ang ulo ko! Mga bata kayo!"
Sobrang namomob-relema si Mama dahil aa kalagayan namin ni Aubrielle. Kanina pa palipat lipat si Mama at si Papa sa pagpunta sa kwarto namin ni Aubrielle. Ayos lang naman na hindi na ako puntahan dito, gagaling din naman ako bukas.
Puyat tuloy ang mga magulang namin dahil sa amin ng kapatid ko. At hindi nakakatuwa yun.
Napadilat ang mata ko kinabukasan nang marinig ang maingat na pagbukas ng pinto sa aking kwarto. Nang makitang si Lourdes yun ay pumikit ulit ako at nagkunwaring tulog pa.
Ano ba ang ginawa ng babaeng yan dito? Papasok siya sa kwarto kong ganito ang sitwasyon ko? Ganito ang hitsura ko?
Nagpipigil ako nang maramdaman ang pag upo niya sa gilid ko at iInayos pa talaga ang kumot ang aking kumot hanggang sa aking leeg.
"Ang tigas kasi ng ulo," rinig kong reklamo niya.
Baka kung wala akong sakit ngayon ay sinakal niya na ako. Kilala ko ang babaeng ito, mapanakit 'to.
Dumilat ako at sinamaan siya ng tingin. Kahit na medyo natuwa akong pumunta siya dito at nag aalala ay ayaw ko pa rin namang mahawaan siya. Hindi siya basta-basta kung nagkakasakit pero naoospital naman siya kapag nagkakasakit. Hindi pwedeng sa bahay lang mananatili sa tuwing may may lagnat siya.
"Lumayo ka," pagtataboy ko sa kanya pero nakalimutan kong matigas pala ang ulo nito. Hindi pala siya nakikinig.
"E, kung lunurin kaya kita sa ulan?"
Hindi man lang niya nakita ang sitwasyon ko ngayon. Lulunurin pa talaga niya ako. Baliw talaga. Kaygandang babae pero baliw.
"Ang ingay mo. Doon ka sa labas, mahawaan pa kita ng sakit."
"Dito lang ako," pagmamatigas niya.
"Alis na kasi."
Nang ayaw pa rin niya aking sundin ay dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng higaan.
"Sasakalin talaga kita kapag nahawaan ka ng lagnat. Ang tigas ng ulo mo samantalang gusto ko lang na hindi ka magkasakit."
As if! Sa tuwing sinasaktan niya ako ay nagbibiro lang naman akong sasaktan ko din siya. Gusto ko lang naman siyang mahawakan. Hindi ko naman siya gustong saktan, hindi din ako manyak. Gusto ko lang talagang may physical contact kami.
Natutuwa ako kapag naiinis siya dahil mas gumaganda siya. Para siyang banal na santo na hindi na makakapagpigil, sumabog na dahil sa punong puno na siya.
"Matutulog ka ba o lulunurin kita sa baha? Ang dami mo pang sinasabi. Matulog ka na. Kapag ikaw hindi pa gumaling bukas, ipapaanod ko ang mga gamit mo sa baha. Papupuntahin ko ang mga babae mo dito. Tingnan natin kung hindi ba gaganda ang pakiramdam."
She's really different. Gusto ko ng magpakawala ng malakas na tawa. May sakit ako pero parang gusto ko yatang may sakit ako palagi dahil sa nabibigyan niya ako ng kanyang buong pansin. Kitang kita din na nag aalala siya sa akin. Marunong din palang mag aalala itong santo na ito. Santo ang mukha at pangalan pero demonyo ang ugali.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...