She's the most beautiful girl I have ever seen in my entire life. Her beauty is rare and unique. She has the most beautiful eyes I have ever seen. But no matter how beautiful her eyes are, pain was visible in it. She may be young, but she's experiencing pain.
Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak dahil sa pambu-bully ng mga kaklase namin sa kanya ay hindi ko mapigilan ang makialam. Hindi na naman dapat ako dapat makikialam pero naiinis ako sa tuwing umiiyak siya dahil sa nawawalan ako ng pagkakataong masilayan ang mga magaganda niyang mga mata.
"Hintayin mo ako! Gusto kitang maging kaibigan!"
Habang tumatakbo palabas ng paaralan ay hindi ko mapigil ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Kahit na tinatakbuhan ko siya ay natutuwa ako dahil sa hinahabol niya ako.
Paano niya ako gustong maging kaibigan? Hindi nga niya ako kilala. Ngayon niya lang ako napansin pero gusto niya akong maging kaibigan.
"Isama niyo naman ako sa bahay niyo. Birthday mo, 'di ba?" Isang araw ay lumapit siya sa akin at kinausap ako. Kahit na hindi ko naman siya kinakausap ay hindi pa rin aiya tumitigil sa kalalapit sa akin.
Gaya ng palagi kong ginagawa ay hindi ko siya pinansin. Napakadaldal niya kaya nakakainis kapag kinakausap niya ako. Ayaw man lang tumigil, kung ano-ano na lang ang ikinukuwento. Wala naman akong pakialam.
"Arielle–"
Nilingon ko siya kaya tumigil siya sa kanyang pagsasalita pero binigyan niya ako ng napakagandang ngiti.
Ano naman ang nginiti-ngiti niya?
"Hindi kita kaibigan, bakit kita papupuntahin sa bahay?"
"Hindi pa ba tayo magkaibigan? Akala ko ay magkaibigan na tayo. Alam ko na naman kung nasaan ang bahay niyo. Pupunta na lamang ako doon."
Bata pa lamang ay baliw na. Sino bang nasa matinong pag iisip na pupunta sa ibang bahay kahit na hindi naman imbitado.
Pagkauwi ko ng bahay ay gulat akong napalingon sa Pinto nang may masayang pumalakpak sa likuran ko.
Gusto ko na lang siyang sipain nang makitang nakasunod pala siya sa akin hanggang sa dito sa bahay.
Maraming tao dahil nga kaarawan ko kaya hindi ko na siya mapaalis nang mapansin siya ng mga kamag anak namin. Pagkatapos akong batiin ay siya na ang pinagkakaguluhan. Naaaliw ang mga tiyahin at tiyuhin ko sa kanya dahil sa maganda raw siya. Kahit na maganda siya ay hindi ko sasabihin.
"May kaibigan ka pala, anak?" Tanong ni Mama habang nakatingin sa kay Amanda na pinagkakaguluhan ng mga kamaganak namin. Inaalagaan siya at pinapakain na parang siya ang may kaarawan, tuwang-tuwa naman siya.
"Hindi ko naman siya kaibigan," naiinis kong sabi habang masamang nakatingin sa kung nasaan siya.
Bakit pa ba yan pumunta dito? Hindi naman siya imbitado.
"Huwag mong awayin. Ikaw talaga. Kay ganda pa naman niya. Foreigner siguro ang magulang."
Pagkatapos niyang pagsawaan ang mga tiyahin ko ay tuwang-tuwa siya na lumapit sa kung nasaan kami ni Mama.
"Hello po. Ako po si Amanda," magalang na pakilala niya kay Mama. Si Mama naman ay tuwang-tuwa na lumuhod at hinawakan ang mukha niya.
"Ang ganda ng mga mata mo," hangang hanga na sabi ni Mama.
"Nasaan ba ang mga magulang mo? Malapit lang ba ang bahay mo dito?"
"Malapit lang dito ang bahay namin, Ma'am."
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...