Kahit saang anggulo tingnan, magkamukha talaga kami.
"La,.."
Tiningnan ako ni Lola nang hindi ko tinuloy ang sasabihin ko.
Galing siya sa bayan at kakauwi niya lang, si Lolo ay nasa trabaho pa din.
"Ano ba ang sasabihin mo, Amanda? Magluluto pa ako. Magwalis ka na muna sa labas."
Hindi ko na naitanong ang gusto kong itanong sa kanya. Pinangunahan na rin ako ng pangangamba. Na baka hindi ko kakayanin ang katotohanan. I know when I ask something, the consequences can hurt me or can make me happy. I know this one, it will make my life change. That's why I don't want to ask anymore. I don't want to know the truth.
While sweeping on the dried leaves in our backyard, my mind was too preoccupied. Too many questions and doubt keeps taunting me, and I don't like this.
Sana hindi ko na tinanong kung sino ang kamukha ni Tita Rivjenn. At sana hindi ako lumapit sa kanya. Sana sinunod ko ang sinabi ni Lola na hindi basta-basta makikipag-usap at lalapit sa hindi kakilala.
Sapat na ang sakit na alam kong hindi ako kayang alagaan ng mga magulang, ayaw kong malaman na kasinungalingan lang ang alam ko. Na hindi totoo ang mga pinaniniwalaan ko.
Pero kahit anong pilit kong isipin na wala lang yun. Na nagkataon lang na magkamukha kami. Hindi ko pa rin maiwasan na mapagtanto.
Kaya pala hindi kami magkamukha ni Mama. Kaya pala hindi niya ako maalagaan at madala sa kung saan man siya ngayon dahil may malalim na rason. Kaya wala akong magulang na nag aalaga sa akin kasi sobrang gulo ng sitwasyon at walang gustong tumanggap sa akin.
Gulong gulo na ang isip ko pero hindi pa rin ito tumitigil sa kakaisip ng kung ano-ano. Para na akong mababaliw sa daming naiisip.
"May sasabihin ka ba sa akin, Amanda? Kanina ka pa parang hindi mapakali," tanong ni Lola.
Kakatapos ko lang magwalis kaya tumutulong ako sa pagluluto ngayon. Nakarating na din si Lolo at nandito siya sa kusina, nagkakape.
Umiling ako.
"Parang meron…"
Tiningnan ni Lola ang mukha ko kaya yumuko ako para itago sa kanya ang mukha ko.
"Amanda. Kilala kita. Sabihin mo na habang makakasagot pa ako sa katanungan mo."
Umayos ako ng tayo at diritso ang tingin kay Lola. Kita ko sa mukha niya na naghihintay siya sa kung ano man ang itatanong ko.
Tiningnan ko din si Lolo. Pati siya ay nasa amin ang atensyon habang umiinom ng kape.
"Si Mama ba talaga ang tunay kong ina?"
Kunot-noo na tiningnan niya ako. "Ano ba 'yang tanong mo, Amanda? Sino pa bang ina mo? Si Lucinda, siya ang tunay mong ina."
"Pero bakit wala siya? Bakit ayaw niya akong makasama? Lahat ng kakilala ko, may mga ina sila. May mga magulang. Ako, meron nga, hindi naman ako inaalagaan. Hindi ko nga alam kung nasaan."
"Amanda.." lumapit sa akin si Lola at hinawakan ang kamay ko.
"Simula pagkabata, palagi akong inaaway ng mga kaklase ko at sinasabihan ng kung ano-ano. Na mang aagaw daw si Mama. Na naninira daw siya ng pamilya. Ay higit sa lahat, ayaw ng mga magulang ko sa akin kasi hindi nila ako tanggap."
"Hindi totoo yan, apo. Tanggap ka naman namin ng Lolo mo–"
"Pero, La. Sino po yung babaeng nagbigay sa akin ng damit? Bakit kamukha ko siya?"
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...