Kabanata 5

362 8 0
                                    

"Dito lang ako."

Bumuntong hininga ako. Kanina ko pa siya gustong paalisin pero ayaw niya.

"May klase–"

"Edi bumalik ka sa classroom. Sabay tayong bumalik."

Baka nga siguro hindi ako makasali sa gusto kong salihan dahil sunod nang sunod sa akin itong lalaking ito. Gustong lumiban sa klase dahil nandito ako covered court para sa practice.

"Excuse kasi ako."

"Then, I will excuse myself from this class. I have the right to skip this class as a student. I have the right because I am human and being free to do anything is part of human rights."

Problemado kong sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Ginagamitan niya ako ng human rights ngayon.

"And I have my own right. I want you to go back to our classroom. Attend the class, Arthur Danielle. I am giving you a warning."

Tiningnan niya ako kalaunan ay bumuntong hininga na lang din siya.

"Basta kapag hahawakan ka sa kamay niyang si Gio, saktan mo. Huwag kang papahawak."

Nye! Nye! Whatever!

Kung makapagsalita ay parang rapist naman yata si Gio. Baka nga siya pa ang rapist, e.

"Sige na. Alis na.."

Nang hindi pa rin siya kumibo ay hinila ko na siya sa kinauupuan niyang bench.

"Go already," I pushed him.

Walang nagawa ay naglakad siya papunta doon sa hallway, daan para makapunta siya sa classroom namin.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay parang natahimik ang buong buhay ko. I am at peace without him, but I am safe when I am with him.

Naglakad ako papunta sa stage kung saan marami nang mga estudyante na nandun. Mga makakalaban ko sa contest na ito.

Tumabi ako kay Gio nang makarating sa backstage. Naghahanda pa ang mga guro doon sa harapan ng stage, sila ang titingin sa practice namin.

"Umalis na?" Tanong niya.

"Oo."

"Bilib din ako diyan sa kaibigan mo, ayaw man lang humiwalay sayo."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Fake news. Gusto na nga yata akong layuan ng lalaking 'yon. Kapag nakakakita ng bagong kasintahan, nakakalimutan na ako. Kahit palagi niyang sinasabi na una niya akong nakilala at uunahin niya ako palagi. Ramdam ko parin na lumalayo na siya sa akin. Hindi kagaya noon na magkasama kami palagi. Kahit na sakit sa katawan lang naman ang nakukuha namin sa isa't isa.

Kapag talaga nadadagdagan ang edad ay may pagbabago talagang mangyayari. Nangako siya sa akin na magkakasama parin kami kahit na hanggang sa tumanda kami, iiwanan din niya ako kapag nakakakita na siya ng babaeng seseryosohin niya. 'Yung tipong sabihan lang siya ng kung ano, susundin niya.

Tanggap ko na naman. Na darating ang panahon ako na lang ang mag isa. Walang Arielle na maghahatid at susundo sa akin at walang Arielle na magtatanggol sa akin.

Maybe that's the reason why I made myself independent from him. I don't want to rely on my safe all the time. We can't be together forever. A friend is like a flower. It's so beautiful and vivid at its first bloom, but as the time goes by it will fade. Friendship is beautiful at first, but when time comes, they will just leave. Kapag siguro magkita ulit, wala na. Iba na. Hindi na gaya ng dati.

Medyo masikip pala sa dibdib habang iniisip kong magkalayo kami ni Arielle. Nasanay na yata akong palagi siyang kasama.

Malapit nang mag alas singko ng hapon natapos ang practice. Pagkatapos ng practice ay hindi ko na din nakita na bumalik si Arielle. Siguro umuwi na siya.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now