Kabanata 26

270 7 0
                                    

Nakauwi ako ng bahay saktong ala-una ng madaling-araw. Ligtas ko namang naiwan ang mga lasing doon sa condo ni Arielle kaya wala na naman sigurong mangyaring masama doon.

Pagkapasok ko palang sa front door ay agad kong nakita si Lola na nakaupo doon sa sofa. Nakatingin siya sa pinto.

Nang makita niya ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ko ay nagkaroon ng ginhawa ang mukha na niya. Kitang kita naman kasi na may hinihintay siya.

"La? Gising ka pa po?" Lumapit ako sa kanya at nagmano.

Pagkakita niya sa mukha ko ay bumalik na naman ang pag aalala sa mukha niya. Parang dismayado siya dahil sa ako ang nakita niya.

"Hindi mo ba nadaanan si Josephine? Lumabas yun kanina. May pupuntahan daw?" Puno ng pag aalala niyang tanong.

Hindi ko man lang siya mangitian o masagot man lang. Dismayado din ako dahil sa klase ng reaksiyon niya nang makitang hindi ako ang hinihintay niya.

Hindi ko naman ninais na hihintayin niya ako sa ganitong klaseng oras. Gusto ko ngang maaga siyang natutulog dahil sa edad niya pero hindi man lang niya ako hinintay umuwi. Palaging madaling araw na ako nakakauwi galing sa trabaho at hindi ko siya naabutang hinihintay ako. Tulog na sila palagi ni Josephine kapag dumadating ako.

Hindi nga ako halos nakakausap nila dahil kapag umaga ay sila lang din naman ang nag uusap. Anh palagi ko lang ginagawa ay magmadali sa pagkain dahil sa kailangan kong magtrabaho.

Kahit na gusto kong magtanong kung kamusta ang mga araw nila. Kagaya noon na palagi kong kakwentuhan si Lolo at Lola. Ngayon ay may bago nang gustong kausap si Lola. Hindi ko na nga naabutan si Lolo pag uwi, ito pa ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi nga nila ako sinabihan kung ano ang ginawa ng ama ko dito. Pagkatapos akong tawagan ni Josephine na nandito ang ama ko ay wala na siyang ikinwento. Pero hindi ako nagtanong. Hindi naman ako napagbigyan ng pagkakataong magtanong.

"Galing ka ba sa birthday ni Arielle?" Tanong ni Lola.

Tumango ako kaya mas lalong nagpakita ng pagkadismaya ang kanyang mukha.

"Noon ay palagi naman siyang pumupunta dito. Kapag birthday niya ay dito siya pagkatapos ay pupuntahan niya si Aubrielle. Naninibago siguro so Josephine. Baka doon siya pumunta sa kay Arielle."

Mas lalong nawalan ako ng ganang magsalita. Nakatingin lang ako sa buong mukha ng Lola ko at pinapakinggan ang lahat ng mga sinasabi niya.

Habang nakatingin sa kanya ay pakiramdaman ko ay nawalan na naman ako ng halaga. Kagaya ng palaging ipinaparamdam sa akin ng ina ko noon. Ito ang isa sa mga ikinatatakot ko, ang pati si Lola ay iniwanan ako. Hindi ko kaya at hindi ko makakaya. She's the only person I have been holding this time.


"Simula nang dumating ka ay hindi na siya halos nagpapakita dito. Doon sa dati naming bahay ay kada Linggo naman ay pumupunta siya," dagdag nito.

"Hindi mo naman siya sinabihang hindi na pupunta dito, Lourdes, di ba?"

"H-hindi ho, La."

Tumango siya. "Alam mo naman sigurong may gusto ang kapatid mo doon sa kaibigan mo, di ba?"

Paano ko hindi malalaman? Isa nga yun sa dahilan kung bakit ayaw kong tanggapin ang kagustuhan ni Arielle na pakasalan ako. Ayaw kong masaktan ang kapatid ko.

Maraming pumipigil sa akin para hindi ko matanggap ang inaalok ni Arielle na kasal. Yes, I am tempted to accept his offer, but my family matters first. I don't want to hurt others feeling so I can get what I want. I don't like that. I am selfish.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now