Yakap niya ako gamit ang isang kamay niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa payong.
His presence just wants me to cry more. I want to cry to release all the pain I am feeling right now. But no matter how hard I am going to cry, the pain is still pierce deeply in my heart.
Sa lahat ng tao na pwedeng manakit sa akin, bakit si Mama pa? Ni wala akong nagawang kahit anong kasalanan sa kanya. Mahal na mahal ko nga siya kahit iniwan niya naman ako.
"Ayaw kitang makitang umiiyak pero paulit-ulit kitang nakikitang umiiyak. Lourd, wag mong iyakan ang mga bagay na kahit sobrang dami na ng luhang nasayang mo, wala pa ring nangyari. Nasasaktan ka pa rin."
Hindi ko siya tiningnan. Nasa pader lang nananatili ang mga mata ko.
Nakauwi na ako dahil halos buhatin na niya ako para lang makauwi ako.
Nang hindi ko siya magawang sagutin ay nagpakawala siya ng buntong hininga. Inayos niya na lamanag ang kumot na nakabalot sa buong katawan ko ngayon.
Tahimik ang paligid pagkatapos. Parang binibigyan niya ako ng panahon na mag isip. Nasa tabi ko lang siya at pinakiramdaman kung ano ang gagawin ko.
"Arthur.." tawag ko sa kanya.
"What is it, Lourd?"
Kinagat ko ang labi ko. Nagbabadya na naman sa pagtulo ang mga luha.
Naiiyak ako kapag sasabihin ko pero ang sikip sa dibdib kapag hindi ko nailalabas ang nararamdaman ko. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Kailangan kong ilabas para mabawasan man lang kahit papano itong nararamdaman ko at si Arielle lang ang nag iisang taong pwede kong pagsabihan.
He's my childhood friend, my listener and my savior.
"Nabuo ako sa isang kasalanan… Ang paulit-ulit kong naririnig na pagkutya ng mga kaklase natin noon ay totoo. Naging kabit ang Mama ko. Ang buong pagkatao ko ay bunga ng isang pagkakamali."
Humagugol ulit ako kaya hinawakan niya ang braso ko at inaalalayan ang katawan kong sumandal sa katawan niya. Inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya habang ang isang kamay ay nasa aking balikat.
"Your parents did a mistakes, but you didn't. You're innocent, Lourd."
As if that works. Hindi pa rin nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"E, ano naman kung hindi ka nila tanggap? Nandito naman ako. Ang Lolo at Lola mo. Kahit ang mga magulang ko. They can be your parents, Lourd. If you want to feel the love of your parents, you can have my parents. Mahal ka naman nila kagaya ng pagmamahal nila sa amin ni Aubrielle."
Pinahid ko ang mga luha.
"Magkapatid na tayo?" Tanong ko sa mahinang boses.
He chuckled, but he didn't say a thing. He remained silent while caressing my shoulder.
Paano na kaya ako kapag wala siya? Sino na ang sasama sa akin sa ganitong sitwasyon? Who will put me under the umbrella when I am in the middle of the rain? Who will save me?
Kinuha ko ang isang kamay niyang nasa gilid lamang niya.
Hinawakan ko yun at hinaplos.
"Don't leave me, okay? Just stay by my side. Ako lang dapat ang lalayo sayo."
"Ang daya mo, a."
Kapag may babae na siya ulit edi ano pa ba ang gagawin ko? Didistansya na ako.
"Handa kitang idagdag sa pamilya ko, samantalang lalayuan mo naman pala ako?"
"Bakit mo naman ako idadagdag sa pamilya mo? Ayaw kitang kapatid."
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...