Kabanata 6

344 5 0
                                    

"Wala ka yatang gana ngayon, Loida."

"Wala akong tulog."

"Bakit?"

"Ikaw? Bakit ka tanong ng tanong?" Inis kong tanong kay Alexis.

"Easy. Nagtatanong lang," itinaas niya ang dalawang kamay niya para ipakita sa akin ang kanyang pagsuko.

Tahimik kong kinuha ang notebook ko sa math para may pagkaabalahan ng makita ang pagpasok ni Arielle sa loob ng classroom.

Ngayon ay late siya. Kahit kailan ay hindi naman siya ganyan. Halos siya pa nga ang palaging gigising sa akin dahil palagi siyang maaga kung dumating sa bahay.

Kahit na hindi ko naman naiintindihan ang mga solution sa mga math problem na nakasulat sa notebook ko ay nanatiling nandun ang mga mata ko.

"Good morning, Lourd," bulong niya nang makaupo siya sa tabi ko.

Ngayon ay marunong na siyang bumati? Ni hindi naman niya ako binabati simula nang maging magkaibigan kami.

Nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Nanatiling nasa notebook ang mga mata ko. Kung magsisinungaling din naman siya sa akin, mas mabuting hindi na lang kami kaibigan. What are friends for when he can't tell me about what he was doing? What's the worth of this friendship when he keeps on lying?

Ito na nga yata ang palagi kong iniisip. Na mababago ang lahat sa aming dalawa.

Hindi ko naman yata kayang walang Arthur Danielle na nang iinis sa akin. Kahit anong pilit kong huwag umasa sa kanya, nasanay nga talaga akong palagi siyang kasama.

"Explain ko na sayo ang part na 'yan?"

Hindi ko siya nilingon. Pilit kong hindi palabasin ang luhang nagbabadya. Bakit ba ako iiyak sa bagay na to? Wala naman dapat na iyakan sa ganitong sitwasyon.

"Kanina ka pa nakatingin diyan. Hindi mo man lang nilipat ang page."

I quickly flip the page.

Nasa notebook ang mga mata ko pero nasa kanya ang buong atensyon ko. Nakakainis ang sarili ko.

"Loida…"

Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. "Bakit?"

"Sa canteen tayo? Libre ko."

Walang pag aalinlangan na tumayo ako. "Let's go."

Ngumiti si Gavin at tiningnan ang papatayo na sanang si Arielle.

"Kami na muna."

"Malapit nang magsimula ang klase," ramdam ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko siya tiningnan.

"We will just skip this class."

Sumunod ako kay Gavin nang maglakad siya palabas ng classroom.

"Hindi naman dito ang daan papuntang canteen," reklamo ko nang makitang sa likuran kami ng mga classroom papunta.

"I know."

"E, bakit sabi mo.."

Umupo siya sa bermuda grass kaya napaupo na rin ako sa tabi niya. Siguro, kailangan ko 'to. Hindi ko yata kayang mananatili sa loob ng classroom kasama si Arielle.

Ilang sandali kaming tahimik. Anong aasahan ko? Si Gavin ang kasama ko. Mahal yata ang bawat salita na binibigkas niya.

"Hi, Loida!"

Nilingon ko ang magsidatingan na mga pinsan ni Gavin.

"Bakit kayo nandito?"

"Sinundan ka namin."

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now