Pagkatapos kong pagbigyan ang ilang mga nag pa-pictures ay dali-dali akong lumapit kay Lola at Lolo.
"Apo–"
"La, nakita ko siya."
Kunot-noo niya akong tinignan, hindi yata alam ang sinasabi ko.
"Nakita ko si Mama. Nandito siya."
"Apo. Wala ang Mama mo."
"Nakita ko siya. Doon-" tinuro ko kung saan nakatayo si Mama kanina pero wala na siya doon.
"Hindi na babalik ang Mama mo, apo."
Pero nakita ko siya— Oo nga naman. Bakit naman pupunta si Mama dito? I was only nine years old when I last saw her. She will never come back.
Wala na talaga akong magulang.
"Apo."
"Baka namalik-mata lang ako, La."
Pero umaasa pa din akong si Mama 'yun. Kahit na umalis siya agad. Kahit na hindi niya ako nilapitan, kinausap, kinamusta at niyakap. Ayos lang. Basta't pumunta lang siya. Ang mahalaga ay nakita ko ulit siya. Kahit hindi umabot ng isang minuto na nasilayan ko ang mukha niya, ayos lang.
"Congratulations, apo!"
Pilit kong nilagyan ng ngiti ang labi ko na nilingon si Lola Lolita.
"Thank you, Lola."
"Ang ganda naman nito," hinawakan niya ang suot kong damit. "Saan mo ba nabili 'to? It looks like a dress made by the famous designers."
"May tama ka diyan, Madam. Kanina ko pa tinitingnan 'yan."
Lumapit ang nag make up sa akin at nakahawak na din sa damit ko.
"The diamonds look so real."
Nilingon ko si Lola at Lolo. Naiiling na lamang sila habang may mga ngiti sa labi.
The woman who gave this to me is so kind. She made me Miss Intramurals because of what she gave to me.
"Picture kayo ng Lolo at Lola mo, Lourd."
Hinawakan ko ang kamay ng Lolo at Lola ko. Hindi din naman sila tumanggi sa gusto ni Arielle. Pagkatapos ay sina Tita Camille at Tito Arturo ang kasama ko sa pagpapa-picture, pati na din si Aubrielle.
"O! The squad. Picture tayo!"
Pumwesto ako sa gitna nilang apat. Si Gavin at Arielle ang katabi ko at nasa bawat gilid naman sina Alexis at Kaiden.
"Picture din kayo, Anak. Kayong dalawa lang."
Si Tita Camille mismo ang kumuha ng larawan naming dalawa ni Arielle.
"Congratulations," he whispered.
"Sabi ko naman, di ba? Ipapanalo ko."
"You look… beautiful."
Nakangiting tinusok ko ang tagiliran niya. Ayaw pang sabihin, e.
"Himala. Pero totoo. Maganda talaga ako. The gorgeous Amanda."
Pintik niya ang noo ko. "Sobra ka na. Sinabihan ka lang na maganda. Natuwa ka pa talaga."
Sino namang hindi matutuwa? Pangalawang beses pa lamg niya yang nasabi sa akin sa buong buhay niya.
"Sige na. Baka saktan pa ako ng girlfriend mo. Ang talim na ng tingin sa akin. Puntahan mo na."
"How about you?"
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...