"What are these?" Gulat kong tanong.
"Attorney Rivera wants you to study all these cases."
I looked at the papers he just put in my table. There were tons of papers in front of me. Mas matangkad pa nga siguro itong mga papel kaysa sa akin. Kailan ko pa kaya matatapos to? Baka gusto ni Attorney Rivera na dito na ako manirahan.
Ilang kaso ba ang gusto niyang pag aralan ko? Parang pati ito noong mga nakaraang taon. Lahat na yata ng kaso na tinanggap dito sa law firm na ito ay nasa harapan ko na ngayon.
"Sabihin niyo lang pong hindi niyo kaya. Sasabihin ko po kay Attorney."
Mahina akong tumawa at halos yakapin na ang lahat nang mga nakafolder na nagpatong-patong sa harap ko.
"Kaya ko. Oo, kaya ko," but it feels like I am convincing myself.
"Tutulungan na lang kita–"
"No. It's okay. Baka may gagawin ka pa. Alam mo naman yang…" hindi ko na lamang tinuloy ang dapat na sasabihin. Baka isumbong ako nito.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. Sa mga araw na nagtrabaho ako dito, masasabi kong parang impyerno ang pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko naman masasabing ako lang ang pinahihirapan dahil sa mga nakikita ko sa mga kasamahan ko dito ay katulad lang din ang ginagawa sa akin. Sandamakmak din ang mga ginagawa. Siguro naninibago lang ako dahil ito ang una kong pagtatrabaho.
Pinagdaanan ko naman ang mga ganito sa law internship ko pero iba na pala talaga kapag nagtatarabaho na.
"Kung ayaw mo ng tulong ko, edi balik na ako sa table ko."
I nodded. Bakit naman niya ako tutulungan? Pati nga siya ay kitang-kita ko na madami din ang mga ginagawa.
He's Anthony Devonne Lucas, Attorney Rivera's paralegal. Matanda siya ng tatlong taon kay Arielle pero sinusunod niya ang lahat ng mga sinasabi ni Arielle. Sila yata ang pinaka close dito sa loob ng law firm.
Sa mga araw na nandito ako, kitang kita ko kung gaano ka seryoso si Arielle sa trabaho. Kung titingnan ay parang palagi siyang galit. Nakakatakot na lapitan siya. Palaging seryoso at hindi man lang ngumingiti, parang nakakita ako ng lalaking version ni Aubrielle. Hindi naman ako sanay na ganyan siya dahil tumatawa at ngumingiti naman siya kapag kasama niya ako pero ngayon ay hindi na. Tinotoo nga niya ang sinabi niyang trabaho nalang dapat ang pag uusapan namin.
"Mauna na kami, Attorney Yildiz. Hindi ka pa ba uuwi?"
Inangat ko ang tingin ko sa babaeng nakatayo malapit dito sa cubicle ko. Sa hitsura niya ay ready na talaga siyang umuwi. Nagsilapitan na din ang mga malapit lang din ang cubicle sa akin.
How about me? Ang dami ko pang hindi natapos at alam kong hindi ko pa rin matatapos ang lahat ng ito kahit na maabutan ako ng umaga dito.
This is hell!
"Hindi ka pa ba uuwi?"
"Hindi ko pa nga natapos tong mga gagawin ko."
"Matatapos ka pa ba?"
Tinawanan nila ako kaya mas nawalan lang ako ng gana. May gana pa silang tumawa samantalang sandamakmak itong kaharap ko ngayon.
"Huwag niyong pagtawanan si Attorney Yildiz. Matatapos din siya diyan. Tutulungan ko siya," lumapit si Attorney Crisanto sa mga nagkukumpulan na mga kababaihang attorney dito sa cubicle ko.
"Halaka. Are you hitting on Attorney Yildiz? Huwag na uy. Sa ganda niyan, hindi ka niya ka-level."
"Bakit? Hindi ba pwedeng mangarap?"
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...