"Do you mean you have a sister? I thought you're an only child. Unica hija kumbaga," bulong ni Alexis.
Siniko ko siya kaya tumigil na ito sa kakasalita.
"Pasok kayo, Ate."
She guided us to go inside their small house.
Habang pumapasok kami sa bahay nila ay kabadong hinawakan ko ang braso ni Alexis. Hindi ko akalain na makikita ko na ulit ang Lolo at Lola ko. Halong kasiyahan at pangangamba. Matagal ko nang hindi nakikita ang Lolo at Lola ko at hindi ko alam kung tatanggapin pa rin nila ako. Bigla na lang akong nawala at hindi ko man lang magawang magpaalam sa kanila.
"La, may bisita tayo," balita nito pagkapasok namin. "Upo muna kayo, Ate.." tiningnan niya si Alexis at ngumiti. "Sir."
Umupo ako sa isang maliit na sofa at ganun din si Alexis. Parang mas lumiit lang lalo ang sofa nang umupo siya. Sa laki ng katawan ba naman niya at matangkad din.
Inilibot ko ang paningin sa maliit na sala at nagbabadya nang tumulo ang luha nang makita ang aking mga larawan na nakadikit sa dingding. It was all simple but it makes my heart melt. Kaya siguro nakikilala ako ng kapatid ko dahil kasali ang mga larawan kong nakasabit dito sa sala.
It means my grandparents will never forget me.
*Amanda?" A small voice called my name.
Lumingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. "La," I called her and immediately run towards where she was standing.
I hugged her tight. "La.." tears falls down to my cheeks. "I'm sorry… iniwan ko kayo."
"Hindi, Apo. Kahit kailan hindi namin inisip ng Lolo mo na iniwan mo kami."
Hinagod nito ang likuran ko kaya mas napaiyak ako. I missed her so much. I missed them so much.
Sobrang sikip sa pakiramdam na nayayakap ko na ngayon ang Lola ko. Hindi ko akalain na masakit pala kahit na nayayakap ko na siya ngayon. Pakiramdam ko ang dami kong kasalanan na nagawa—which is true. It's my fault because I trust someone who's from my family, but turned out to be just my relative, not a family because a family won't kidnapped their family member just to get the things she wants.
May mga kadugo talagang hanggang kadugo lang. Hindi pwedeng maging pamilya dahil sarili lang naman ang iniisip. Kung sino pa nga yung kadugo, sila pa ang magpapahamak sa atin. Kung sino pa ang kadugo sila pa ang unang sisira ng tiwala.
"Kamusta ka na? Mukha kang–" hinawakan ni Lola ang mukha ko na parang hindi pa rin makapaniwalang nandito na ako.
"Ang ganda mo lalo, apo."
Kahit na umiiyak ay napangiti ako. Mukha akong tanga na nakangiti habang umiiyak. Hindi talaga makakalimutan ni Lola na sabihan ako ng maganda.
"Dalagang dalaga ka na din."
"I am already twenty-six, Lola. Dalaga na talaga ako. Ikaw nga diyan, ang ganda mo pa din."
Hinawakan ko ang kulubot niyang kamay. Kung noon ay hindi pa klaro ang mga kulubot niya. Ngayon ay kitang-kita na. Sa nakikita ko ay hindi na din niya ako masyadong nakikita.
"Ayos ka lang ba? Saan ka ba galing? Hinanap ka namin."
Sa tono niya ay maririnig ko na may pagtatampo siya sa akin. Sino bang hindi? Kahit nga ako ay nagagalit ako sa sarili ko, hindi ko man lang magawang umuwi at tumakas ng mas maaga. Ngayon ko pa talaga nagawa kung kailan ilang taon na ang lumipas.
Naiinis ako sa sarili ko sa napakaraming kadahilanan.
"How about Lolo, La?" Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...