Kabanata 38

286 4 0
                                    

"Don't leave me, okay? Just stay by my side. Ako lang dapat ang lalayo sayo."

"Ang daya mo, a," reklamo ko.

Pagkatapos ko siyang ihatid dito sa bahay nila ay ito ang sasabihin niya. Hindi ko naman talaga siya iiwanan.

Nang hinabol niya ako noong mga bata kami para gawin akong kaibigan niya, nakapasok na siya sa buhay ko sa mga panahong yun. Naging parte na siya ng buhay ko hindi ako makokompleto kung wala siya.

She wanted to become a lawyer and I wanted to become her husband. That's my dream, to be by her side at all costs. I may be young, but I am already sure I want Lourdes Amanda Dizon.

"Ginagaya ako nitong si Arielle, e. Sinabi kong mag a-abogado ako, yun din ang gusto niya. Ayaw yatang humiwalay sa akin," natatawang sabi niya.

Ngumiti lang ako. Ayaw ko naman talagang mahiwalay sa kanya. Kung kaya ko namang maging abogado, edi magiging abogado ako. Kasama ko naman siya kaya ayos lang.

"Ayaw ka niyang mawalay sa tabi niya. Hindi niya kakayanin. He's too dependent to you. Ikaw na yata ang buhay niyan– aray!"

Sinipa ko si Kaiden ng mahina. Kaya pala nasipa nung maarteng Diaz, he deserves it.

"Kasalanan ko bang pangarap ko din ang pangarap niya?" I defended myself.

Pero alam na din naman nila kung bakit gusto kp din ang kagustuhan ni Lourdes. Nagkukunwari lang silang walang alam kahit na nagpaparinig sila palagi.

One thing is for sure, they love Lourdes not just as their friend, but as their sister. They treated her as their sister while I can't do that. I don't want Lourdes to become my sister.

"Na ano, Dan? Ang magustuhan ka? O pangarap mo lang talaga siya?"


"Shut up!" Inis kong sabi.

"Ey! Magkasama pala kayo palagi, ha. Baka hindi namin nalalaman, may namamagitan na pala–"

"Umuwi na kayo! Punta muna ako sa kay Mrs. Adajar. Mauna na kayo."

"Ano naman ang gagawin mo doon? Hintayin na kita. Sasamahan kita dun."

Lalapitan ko na sana siya pero pinanlakihan niya lamang ako ng mga niya. Tsk! Mata pa lang, nasisindak na ako.

"Paki mo ba? Umuwi ka na nga!"

Ang hilig talaga niyang utos-utusan ako. Alam na alam talagang susundin ko ang lahat ng mga sinasabi niya. Dakilang sunod-sunuran ako ng babaeng ito. Pasalamat siya at gusto ko siya.

"Basta, ha. Tandaan mo, mayaman ka naman kaya patayo ka ng sarili mong law firm. Hire me, then. I will be a very competitive and efficient employee."

Ang kulit din.

"Wala nga akong pera, e. Tumigil ka nga. Tsaka, bakit naman kita ihaha-hire? Baka ikaw pa ang dahilan kung bakit babagsak ako."

"Bahala ka! Kapag maging magkalaban tayo sa korte, dudurugin kita. Ipaparamdam ko sayo na hindi mo dapat ako—"

Baliw nga. Hindi ko na mababago ang ganitong ugali niya. Kaya siguro sinusunod ko ang lahat ng mga kagustuhan niya dahil ayaw niyang tinatanggihan siya.  Masisira ang buhay ko kapag hindi ko siya sinunod.

Sa ilang taon naming magkasama, dalawang bagay ang gustong gusto niya. Manood ng mga isda na lumalangoy, kahit yung mga binebenta sa bayan, hindi naman bumibili. Gusto lang talaga niyang manood. Pangalawa ay mahilig siya sa pagme-make up. Hindi din siya bumibili pero kita naman sa mukha niyang mahilig siya sa mga nun, kapag may kaklase kaming may mga pangkulay sa mukha ay malagkit ang tingin niya. Kahit na maganda naman talaga siya, mas gaganda siya kapag ginagawa niya ang mga bagay na gustong gusto niyang gawin.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now