"You know what, Arielle, just stop this nonsense—"
"Nonsense?! Paano mo nasabing nonsense ito samantalang gusto ko lang bumalik tayo sa dati–"
Inis akong tumayo at halos hampasin na ang lamesa dahil pagkainis.
"Gusto mo palang manatili tayong magkaibigan! Bakit ka nagsinungaling? Akala mo pipigilan kita? Putcha! Hindi kita pipigilan. Paano kita pipigilan kung diyan ka naman sumaya? Ang sa akin lang, huwag kang magsinungaling kasi hindi mo naman 'yan ginagawa noon."
Hahawakan sana niya ang kamay ko pero umiling lang ako. Pwede naman siyang magsalita ng hindi ako hinawakan.
Kita ko na papasok na sana ang iba naming kaklase pero hindi natuloy dahil narinig nila ang sigawan. Bakit kailangan ko pang ipahiya ang sarili ko ngayon sa mga kaklase para lang magpaliwanag kay Arielle?
"Hindi ko sinabi sayo dahil alam mo naman na lahat ng sasabihin mo, susundin ko. Ngayon, totoo lang akong nagkakagusto, Lourd. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang babae."
Tiningnan ko ang buong mukha niya. Hindi ko akalain na iniwasan niyang masaktan ako noon at ayaw niyang umiyak ako pero siya pala mismo ang nagdulot ng sakit sa akin ngayon.
Ang sinabi niya ay parang malakas na sampal sa akin. Sampal na kahit gaano kalakas, hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan.
"Hindi nga kasi kita pipigilan pero kung naniniwala kang pipigilan ko ang kasiyahan mo edi yan ang paniwalaan mo!"
"Lourd, hindi."
"Pwede ka namang magsinungaling sa akin, e. Ayos lang. Sino ba naman ako. Kaibigan pa rin naman kita kahit hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Ayos lang," tumango tango ako para kumbinsihin siya pero mas nagmukhang ako lang mismo ang kumukumbinsi sa sarili ko.
"Hindi kita pipigilan, promise," I raised my right hand to show him that I am telling the truth.
"Libre mo ako, di ba? Tara na. De Guzman's, let's go."
Binigyan ako ng pilit na ngiti ni Alexis. Nasaksihan pa nila ang sagutan namin ni Arielle.
"Ayos na ba ang susuotin mo?" Tanong ni Gavin.
Pinagitnaan nila ako ni Kaiden kaya sina Alexis at Arielle ang magkasabay ngayon. Nasa likuran namin sila.
"Oo."
Nalabhan ko na ang dating isinusuot ni Mama at naplantsa ko na din.
"How about your sports attire? Ano ba ang laro na i-re-represent mo?"
"Hindi ko pa alam, e. Baka volleyball–"
"That's too common, Loida. How about motorcycle racing? You… as a rider. A girl rider."
I shook my head. "I don't have that kind of sports attire–"
"Bibilhan ka namin," presenta ni Kaiden.
"Napag usapan na namin 'to naming magpinsan. Ito lang naman ang maitutulong namin sayo kaya hindi mo pwedeng tanggihan 'to."
Hindi pa nga ako nakatanggi, inunahan na ako.
"Bibilhan ka namin ng susuotin mo. Sa helmet naman ay hihiramin mo ang sa akin. Matangkad ka naman kaya hindi masyadong malaki sayo yun."
"Kakausapin pa namin si Gio sa lagay na 'to. Partner kayo kaya dapat…magkaparehas kayo."
"How about the question and answer portion? Nakapag ensayo ka na ba?"
Tumango ako ng dalawang beses. "Hindi ko pa naman alam ang mga lalabas na mga posibleng tanong pero sinanay ko ang sarili kong sumagot sa mga tanong."
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
Любовные романыShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...