Kabanata 13

303 6 0
                                    

"Asawa.Mp4."

Ang sinabi ni Kaiden ang pag gising sa akin.

"Itali mo sarili mo! Sakalin kita diyan, makikita mo talaga ang hinahanap mong sakit sa katawan."

"Seryoso mo naman, Anteh. Huwag mo munang seryosohin. Malayo pa naman yun."

"Nako, Arielle! Huwag mo akong masabihan ng malayo pa! Baka ngayon pa, lalayasan na kita. Ayaw kitang maging asawa. Baka maaga akong mamatay kapag nakasama kita araw-araw."

"Hindi mo naman alam ang mangyayari sa buhay. Malayo pa yan, Lourd. Baka nga tayo talaga."

Plastic akong tumawa. Baka kami?! May gusto ako sa kanya, oo! Pero jusko! Hindi ko inisip na maging asawa siya. Huwag na lang muna.

"Kung maka-react ka naman! Gwapo naman ako, mayaman at matalino. Madami akong ipagmayabang."

"Babaero din. Lahat ng babae na nakikita mo, nililigawan mo."

"Nakikita din naman kita araw-araw. Bakit hindi kita niligawan?"

May sagot siya palagi, no?

"Kasi… hindi ka kung sino-sino lang. Ikaw si Lourdes Amanda Dizon na magiging asawa ko sa hinaharap— Aray!" Halos sigawan na niya ako nang sabunutan ko siya.

"Magsalita ka pa! Sige!"

"Hindi ka na mabiro!"

Sino namang matutuwa sa sinabi niya?

"Tapos na ba kayo diyan? Pasok na ba tayo sa classroom? Baka hindi na tayo makaabot sa checking ng attendance?"

"May nagpapahiwatig ng nararamdaman dito, Gab. Huwag kang praning."

Tumayo ako sabay pagpag ng suot kong palda.

"Huwag mo akong kakausapin kung yan palagi ang sasabihin mo. Walang magkakaibigan na naging mag asawa. If you fall in love with your best friend, you lose. If you marry your best friend, it's over! The friendship is over."

Tinalikuran ko ang hindi makasagot na kaibigan at naglakad papunta sa classroom namin.

And I know, I lose. To this game, I already lose because I already fall for him. I am now a loser.

"I'm sorry," Arielle whispered while the teacher was discussing in front. "Lourd."

Inilagay ko sa aking bibig ang aking hintuturo para ipakita sa kanyang nakikinig ako ng mabuti sa klase.

"Hindi ko na uulitin, promise. Huwag ka nang magtampo. Galit ka ba?"

Umiling ako. "Makinig ka nga sa klase!" Mahinang sabi ko.

Umiling din siya. "Makinig ka lang diyan."

Tiningnan ko siya na parang nababaliw na siya. Nababaliw na nga talaga yata siya.

Tiningnan ko ulit ang guro na nasa harapan pero hindi ako makapag-concentrate dahil ramdam ko pa rin na nakatitig pa rin si Arielle sa akin.

Nanatiling nasa harapan ang mga mata ko samantalang ang buong atensyon ay nasa katabi. Ano na naman ang nangyari sa lalaking ito? Hindi naman siya ganito nung mga nakaraan.

"Ang ganda mo pala," bulong nito.

Kabadong napalingon ako sa kanya. Ang hinala kong nakatingin siya sa akin ay nakumpirma ko. Naabutan ko na titig na titig siya sa akin.

"A-Ano bang problema mo?"

"Tingin ka na ulit sa harapan. Hayaan mo na ako."

"Paano kita hahayaan? You're disturbing me, Arielle."

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now