"Uuwi muna ako, Ate. Kukuha ako ng mga gamit ni Lola," paalam ni Josephine sa akin.
Tumango ako. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko pero umiling siya. Nabasa yata ang mga galaw ko.
"May pera pa ako para pamasahe, Ate."
"Ako na lang ang uuwi, Sep. May dala naman akong sasakyan. Bantayan mo na lang si Lola? O doon ka muna sa kwarto niya. Pwede na ding sabay na tayong umuwi. Doon ka na muna sa bahay, magpahinga ka–"
"Hindi ko iiwanan si Lola."
Hindi ko na siya pinilit pa dahil baka magkasagutan na naman kami.
Tumayo siya at pumasok sa kwarto na kung saan si Lola kaya naglakad na din ako para umuwi ng bahay.
Parehong mugto ang mga mata namin ni Josephine. Nagkasagutan kami at nagkasigawan pero kumalma na kami dahil sa hindi naman dapat kami mag aaway. Magkapatid kami at hindi dapat kami mag aaway sa ganitong nandito si Lola sa ospital.
Hindi talaga maiiwasan sa magkakapatid na mag away pero muntikan pang umabot ng isang taon ang galit niya sa akin at kung hindi pa naospital si Lola ay hindi pa kami nagkasumbatan.
Ayos na din yung mga nangyari sa amin, nagkaayos din naman kami ng kapatid ko.
Hindi ko na alam kung saan pumunta si Mama. Nawala na naman siya nung lumabas ako.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na likuran. Nang humarap ito sa banda ay nakumpirma kong ai Arielle yun. Hindi niya pa ako nakikita dahil sa sumilip siya ulit sa kwartong pinanggalingan niya.
Kunot ang noo na tiningnan ko siyang parang ang laki ng problema niya nang tuluyan na niyang isinara ang pintuan.
Naglakad siya papunta sa exit kaya kunot-noo ko siyang sinundan. Habang nakatingin sa likuran niya ay kitang kita ko mula dito na malaki nga ang problema niya.
Kinuha ko ang cellphone at i-denial ang numero niya. Nakita ko ang pagkuha niya ng cellphone galing sa kanyang bulsa at sa paglagay niya sa kanyang tenga.
"Hello?" Rinig kong pagsagot niya sa tawag ko.
I can clearly hear how tired his voice is.
"Uuwi ka ba ngayon?" Tanong ko.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Oo," simpleng sagot niya.
Malungkot akong ngumiti. Noon ay masaya siya kapag tinatawagan ko siya. Kahit na ang laki ng problema niya ay sasaya naman siya kapag tatawag ako sa kanya at tatanungin siya kung uuwi ba siya o hindi. Ngayon ay nawala na ang kasiyahan na yun. Habang tumatagal ay parang lumalayo ang loob niya sa akin.
Malapit nang mag isang taon na ikinasal kami pero parang hindi na masaya. Nawalan na ng saya.
"Saan ka ba? Nasa opisina ka ba?" Pilit kong nilagyan ng kasiyahan ang boses ko para hindi niya mapansin ang nararamdaman ko ngayon.
"Ikaw?" Balik-tanong niya sa akin.
Tinitigan ko ang likuran niya. Kung sasabihin ko bang nandito ako sa likuran niya ay sasaya ba siya? Gaya ba ng dati ay yayakapin niya ako at hahalikan?
Habang tumatagal ay ipinaramdam niya ang pagbabago niya.
"Nasa bahay ako."
"Natin?"
"Hindi. Nasa bahay ako."
"May sarili tayong bahay, Lourdes. Bahay mo na din ang bahay ko. Susunduin kita diyan!" Seryoso niyang sabi.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomantikShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...