Kabanata 3

429 6 0
                                    

Walang gana kong ibinigay ang bitbit na juice at turon sa kay Arielle. Ang laki pa ng ngiti niya habang kausap si Jaya.

Mukha nga ng unang nag-confess? Mukhang… babaeng nauubusan ng lalaki.

"Thank you–"

Umalis na ako doon at hindi na pinakinggan ang sinabi ni Jaya. Hindi ako tumatanggap ng thank you at higit sa lahat, hindi ako utusan.

Pasalamat talaga ang Arielle na 'yun at kaibigan ko siya. Kakulay ng babaeng 'yun ang turon. Turon na sunog.

Pinuntahan ko kung nasaan sina Gavin nakaupo ngayon. Nasa isang bilog na semento sila nakaupo habang may nakatanim na puno sa gitna nito.

"Busangot 'yang mukha mo?" Agad na na tanong ni Kaiden pagkaupo ko sa tabi niya.

"Paano ba kasi, inutusan ako ni Arielle na bumili ng turon at juice para ipakain doon sa babaeng…"

Umikot ang mga mata ko. Naiinis talaga ako.

"Ang cheap ng kaibigan mo. Kung ako ay baka mamahaling pagkain ang ibinigay ko."

"Isa ka pa!" Singhal ko kay Kaiden.

Tumawa lang siya. Tatawa tawa siya diyan samantalang nagagalit ako dito.

"Pero hindi ko tipo ang mga ganung babae. Gusto ko 'yung mga palaban na babae. 'Yung kahit na walang lalaki, makakaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Tapos ako lang ang lalaking hahayaan niyang ipagtanggol siya."

Nagtanong ba ako?

"Sa akin naman… iyong mabait at hindi makabasag pinggan. Iyong mamahalin ko talaga ng sobra dahil worth it naman."

Tinakpan ko ang tenga ko. Puro babae na lang ang naririnig ko.

"Tapos…" kahit takpan ko ang mga tenga ko ay naririnig ko pa rin sila kaya tinanggal ko na lang ang mga kamay ko sa aking tenga.

Ano pa bang aasahan ko? Babae talaga ang pag uusapan nila, lalaki sila, e.

"A girl worth fighting for," Kaiden added.

"A girl worth crying for," it's Alexis now.

"Iyong tipong kahit sasaktan ako, babalikan ko pa rin kasi mahal ko. Tanging babaeng hahayaan kong saktan ako."

"Iyong tipong hahabulin ko kahit saan man siyang lupalop ng mundo."

"Tama na, please," pagmamakaawa ko sa kanila.

"Oo na. Ganun ang tipo niyo pero parang hindi pa yata panahon na pag usapan ang mga 'yan–"

"Walang pinipiling oras o panahon ang pagmamahal, Loida," si Alexis.

Yuck!

Wala na nga yata akong magagawa sa kanila. Akala ko pag aaral ang ginagawa nila, babae pala.

Nilingon ko si Gavin. Gaya ng palagi niyang ginagawa ay tahimik lang siyang nakikinig sa mga usapan.

Nakikita ko nang siya ang huling ikakasal sa aming lima, e. Hindi nga namamansin sa mga babae, baka hindi na mag asawa pero sayang ang lahi. Ang gwapo pa naman niya. Suplado pero ayos na din 'yun. Kitang kita na magiging loyal siya sa magiging asawa niya. Baka nga tsaka lang siya titingin sa isang babae kapag nagkakagusto na talaga siya dito. Sino naman kaya?

Siya lang yata ang matino sa kanilang apat.

Paano ko kaya natagalan ang ugali ni Arielle? Palagi lang naman akong inaaway nun. Palagi akong tinatawag na pangit.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now