Pagkatapos ng meeting ay una akong lumabas sa faculty room. Nasa pintuan pa lamang ako ay kita ko na ang naiinip na mukha ni Arielle. Tiningnan niya ang relo na nasa pala-pulsuhan niya nang makita akong lumabas.
"You're in that meeting for almost two hours. Ano bang pinag-uusapan niyo?"
"Nagtabi kami ni Gio," tuwang-tuwa kong balita sa kanya.
"Mas gwapo ako sa kanya."
Talaga ba?
"Gwapo naman siya, a!"
"Pangit ka kaya hindi kayo bagay."
Ang bastos talaga.
"Nag usap kami–"
"Araw-araw naman tayong nag uusap, hindi mo yata ibinalita sa kanya ang bagay na 'yan."
"Bakit kailangang ikumpara mo siya sa sarili mo?"
"Dahil naiinis ako sa kanya."
Wala namang ginagawang kung ano 'yung tao sa kanya. Basta-basta na lamang siyang nagagalit.
"Uwi na tayo, una ng umuwi ang mga bago mong kaibigan. Maglalakad tayo."
Sumunod ako sa kanya.
"Huwag mo na akong ihatid sa bahay, ha?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya nakasabay na ako sa kanya ngayon.
"Bakit ayaw mo? Sanay ka namang palagi kitang hatid-sundo."
"Dahil kaya ko naman."
"Isasama mo pa rin ako."
Ang tigas talaga ng ulo.
"Puntahan mo ang babae mo–"
"Umuwi na."
"Sana hinatid mo."
Pumunta siya sa likuran ko para hubarin ang bag ko. Nang matanggal na niya 'yun ay siya na mismo ang nagdala nun.
"Ikaw naman ang palagi kong hinatid at sinusundo. Sino ba siya para ihatid ko?"
"Ang bastos mo. Respetuhin mo naman ang mga babae mo."
"Kung makapagsabi ka naman ng mga babae. Parang ang dami talaga?"
Mga babae talaga! Madami naman.
Nang makalabas kami ng gate ng paaralan ay wala nang mga estudyante ang nakikita kong naglalakad dito sa daan. Ganun nga talaga katagal ang meeting. Pagabi na din.
Sinimulan ko ang paglalakad ng mabilis. Sumasabay din siya sa akin.
"Ano bang pinag uusapan niyo sa loob?"
"Tungkol sa kung ano ang mangyayari at gagawin sa sinalihan ko."
Dahil intramurals, kailangan may irerepresent akong isang sport. Kahit na hindi daw kasali sa mga gaganaping mga laro sa intramurals, basta sport.
"Bakit ka ba kasi nasali sa bagay na 'yan? Pwede ka namang sa volleyball na lang sumali. Magaling ka naman sa laro na 'yun."
"Hindi naman ako ang pumili. Pinili ako ng guro natin."
"Practice tayong maglaro bukas?"
Nilingon ko siya. "Isasama natin ang mga De Guzman?"
Nilingon din niya ako. May konting inis na sa gwapo nitong mukha.
Bakit kaya magagalitin siya? Pero kahit na ganun siya, gwapo pa rin siya. Ang daya ng mundo.
Kapag nagtagpo ang makakapal niyang kilay ay kasabay nun ang paggalaw ng panga niya. Ang mga mata niyang natitigilan ako kapag dititsong nakatingin sa akin sa akin. Kahit ang mga pilikmata niya ay makakapal at medyo may kahabaan. Matangos ang ilong na bumabagay sa manipis nitong labi.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...