Nanliit ang mga mata kong napatingin sa one-half crosswise na nakalagay sa ibabaw ng desk ko.
"Nilawayan mo 'to, no?" Tanong ko sa katabi ko.
Nagtiim bagang siya kaya inilayo ko ang sarili sa papel na nasa harapan.
"Nakakadiri ka, Arielle–"
"OA mo! Wala ka na ngang papel, mag iinarte ka pa?"
"E, ano naman? Laway mo ang ginamit mong panghati diyan!"
Inis na kinuha niya ang papel na nasa harapan ko. Kinuha niya ang papel ng nasa kabilang tabi niya at ipinalit sa papel ko.
"O, ayan! Huwag kang mag enarte! Wala kang pambili!"
Ouch naman!
Tiningnan ko ang ninakawan niya ng papel pero wala din naman itong pakialam. Seryoso lang itong sinulatan ng pangalan ang papel na ipinalit ni Arielle sa papel niya.
"Hi!" Masaya kong bati doon sa lalaki sabay lahad ng kamay kahit nasa gitna pa namin si Arielle.
Tagpo ang kilay nitong tiningnan ako.
"I am Lourdes Amanda Dizon–"
"And he doesn't care!"
Inis kong tiningnan si Arielle. Siya ba ang kinausap ko?
"Ma'am, si Lourdes, ayaw pang magsulat!" Sumbong niya sa guro namin kaya napaayos ako ng upo.
May pagka demonyo din ang isang 'to.
Unang araw pa lang ng klase ay ganito na siya. Gusto ko lang namang magpakilala. Siya nga diyan, feeling close. Bigla na lang kinuha ang papel ng walang pasabi doon sa katabi niya.
Maraming transferee ngayon dahil maraming gustong mag aral dito kaya gusto kong makilala ang mga bagong kaklase.
Kapag bago, walang alam sa mga nangyari sa buhay ko at ang pambu-bully ng lahat sa akin kaya hindi nila ako mahuhusgahan kasi wala silang alam. Mas mabuting bago ang mga kaklase namin.
"Tomorrow will be our elections for the classroom officers. Good luck students."
Dala ang mga one-half crosswise namin na sinulatan namin ng aming mga pangalan ay lumabas si Ma'am kaya nagkaroon ako ng pagkataong kilalanin ang mga bago kong kaklase.
Una kong nilapitan ang kinausap ko kanina.
"Hi, I'm Lourdes Amanda Dizon–"
"Gabriel," walang kabuhay buhay nitong sabi.
Pinutol ba naman ang sinabi ko? Parang ka-ugali ito ni Arielle, medyo ma-attitude.
"Friends na tayo!" Bibong sabi ko at iniwan siya kaagad para hindi na siya makatanggi pa.
Pagkatapos ay lumapit ako doon sa maiingay na nasa likuran nakaupo.
"Hi!"
Pareho akong nilingon ng dalawa. Just like Gabriel, they were also handsome. May katapat na sa kagwapuhan ang mainitin na ulo kong kaibigan.
"I'm Lourdes Amanda," pakilala ko sa kanilang dalawa.
"Kenji!" Nakangiting tinanggap ng may dimples ang kamay ko. "May foreigner ka bang lahi?" Tanong nito pagkatapos.
"From the color of your hair, your eyes and the shape of your face. You look like a…. I cannot distinguish what kind of beauty you possess. Italian? Brazilian? Turkish?"
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...