Dinala ako sa presinto at wala akong nagawa kahit na sapilitan nila akong dinakip.They won't listen even when I say that I didn't do it, I am not the killer. But still they brought me here because they said I am the prime suspect.
Sino namang tanga ang tatawag muna bago papatay? Parang tanga lang talaga. Kung ako nga ang killer, bakit ko pa sila tatawagan? Hindi naman ako baliw para ipahuli ang sarili ko.
"Tumawag ka sa amin bago mo ginawa ang krimen o tsaka ka na tumawag nang mapatay mo na ang biktima?"
Hindi ko sinagot ang katanungan ng pulis. Kahit ano pa ang itatanong niya, hindi ako magsasalita. I will claim my Miranda Rights.
Presko pa rin isipan ko kung paano ko natagpuang patay si Shiloh. Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari sa kanya.
Nandoon pa kaya ang killer sa abandonadong building at nagtago lang dahil papasok ako? Saan naman kaya yun nagtatago? Paniguradong nandoon pa yun. Hindi ko siya nakitang umalis.
"Alam mo bang krimen ang pagpatay?"
"I know!"
Parang tanga naman 'to.
"So, you admit the crime? You killed her?"
Uminit na lamang bigla ang ulo ko. Saan naman niya nakuha ang ganyang klaseng utak?
"You asked me if I know that killing is a crime and yes, I know. Killing is a crime, but I didn't say I am the killer. There's a big difference between what I say and your accusation."
Nakaupo ako dito sa silya at kaharap ang pulis na nagtatanong. Hindi yata siya nagtatanong para malaman ang mga nangyayari, nagtatanong siya para painitin ang ulo ko.
"Pwede ba akong tumawag?" Tanong ko sa kanya.
"The interrogation is not yet done."
"I will never speak, anyway. Wala kang mapapala sa akin."
Problemadong hinawakan niya ang ulo niya na parang naubusan na ng pasensya sa akin. Ito nga ang gusto ko, ang maubusan siya ng pasensya.
"Sir, ikaw na dito. Pinaiinit ang ulo ko, e," sabi niya doon sa isang pulis na nakikinig sa usapan.
"Nakatingin lang ako. Hindi ko yan tatanungin. Sinabi na nga niya, di ba? Hindi siya magsasalita."
"E, anong gagawin natin dito?" Tanong niya na parang nahihirapan na talaga.
"Sir," tawag ko sa mga pulis na nagdakip sa akin. "Alam niyo bang hindi maaaring basta-basta na lang kayo sa pagdakip? Sa nakikita ko ay ilegal ang ginawa niyo. Wala man lang kayong dalang warrant of arrest. Kapag talaga mapapatunayan na wala akong kasalanan, kakasuhan ko kayo."
"Aba!" Lalapitan na sana ako ng isa ngunit napigilan na siya ng kanyang mga kasamahan.
"Hindi porke't mayaman ka kung tingnan at maganda ka ay pwede ka nang magsalita ng ganyan. Abogado ka ba?"
"Oo, bakit ba? I know my rights and I also know that the way you arrested me earlier is illegal. You put the cuffs on me without even bringing the warrant of arrest–"
"Ikulong na yan. Dami pang sinasabi!"
"Teka!" Pero nahawakan na ako ng mga pulis.
Dinala nila ako sa isang selda kung saan may dalawang maaangas na babaeng nakakulong na doon.
"Pwede ba akong tumawag?" Pakiusap ko doon aa isang pulis na nagdala sa akin dito sa selda.
"Dalawang minuto!" Inilabas niya ang kanyang cellphone sabay bigay sa akin.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...