Kabanata 18

326 4 0
                                    

Weeks passed and I started applying in the near law firm from our home, but all I can say is finding a job is hard. Kahit na galing akong ibang bansa at doon ako nag aral ay hindi pa din sapat. Hindi ibig sabihin na galing akong abroad ay tatanggapin agad ako.

Ang hirap maghanap ng trabaho dito sa Pilipinas. Nakapagtapos na ako at kung ano-ano, trabaho naman ngayon ang pinoproblema ko. Kailangan daw ng experience. Experience! Kaya nga nag a-apply ng trabaho para magkaroon ng experience. Sistema bulok!

I stopped my car in front of the last law firm I want to apply. This is my last hope. Kung hindi pa rin ako matatanggap dito edi mamalimos nalang ako. Charot. Pero hindi naman sila hiring. Hindi na yata ako makakapagtrabaho.

"Rivera A. law firm," basa ko sa nakalagay sa harapan ng kinatatayuan kong building.

Rivera? Arielle? Does this mean Arielle has his own law firm? Wala namang nagsabi sa aking may ganito. Ang sabi ni Tita Camille, pinag aagawan si Arielle, hindi niya sinabing may sariling law firm siya. Maybe it's just a coincidence. There's a lot of Rivera in this country. It's not just Arielle.

Hindi pala kasali ang firm na ito sa hiring ng mga new lawyers. I was about to leave, but the sight of two persons stopped me. A man and a woman.

Tsk! I knew it! Hindi man lang nagbago, babaero pa rin.

Tumaas ang kilay ko nang makita ang paglingkis ng kamay ng babae sa braso ni Arielle. Seryoso ang mukha ni Arielle habang ang babae ay malaki ang ngiti. Parang nanalo sa luto. Are they even serious? This is a public place.

Umabot yata sa noo ko ang aking kilay dahil sa mas tumaas lang ito nang makita kong may isang babae ding tumakbo papunta sa kanilang dalawa.

The woman looked so familiar to me. I know I saw her somewhere.

Kakaiba talaga ang lalaking ito. Kung siguro hindi ako umalis ng San Vincente, hanggang ngayon ay sumasakit pa din ang ulo ko dahil sa mga pinanggagawa niya. Hindi nga ako nag-bo-boyfriend, namomoblema naman ako dahil sa kanya. He causes me stress, headache, and distraction way back. Ayaw ko nang malapit pa sa kanya dahil hindi na din naman dapat. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit ng ulo ko.

Kung noon ay dumidepende ako sa kanya sa lahat-lahat. Ngayon ay kaya ko na ang sarili ko. Kahit masaktan man ako at magkaroon ng problema, makakaya ko nang lusutan kahit walang tulong. Nasanay na akong sarilinin at lutasin ang sariling problema sa nga nagdaang panahon. I don't need to be dependent to him anymore.

Hindi din naman niya trabahong damayan ako sa lahat, hindi naman kami magkaano-ano. Hindi ko na din siya kaibigan. Our friendship end the moment I left San Vincente. I don't need a friend to lean on. I have myself.

I was about to start the engine of my car, but a knock at the door stopped me. I turned my eyes to the window and saw Arielle outside of my car.

Napabuntong hininga ako. Kung patatakbuhin ko na lang basta-basta ang sasakyan ko ay kabastusan naman yun. Walang pagpipilian ay ibinaba ko ang salamin ng sasakyan. Bakit naman kasi hindi tinted itong binili ko? Nakita tuloy ako nito.

"What?" Agad kong tanong kahit hindi pa man tuluyang nakababa ang salamin.

He's wearing a corporate attire and I don't care. Sinong may pakialam na ang linis niyang tingnan sa suot niya? Sinong may paki kung bagay na bagay sa kanya ang suot niya? Wala naman.

"Hindi parking lot ang harapan ng building."

Muntikan ko nang iikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Aalis na din naman ako. Nakaalis na sana ako kung hindi ka kumatok."

"Pasakay," he whispered.

Namilog ang mga mata ko. Kahit na alam ko naman ang ibig niyang sabihin, hindi ko man lang maiwasang mag isip ng kakaibang bagay.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now