Kabanata 25

330 6 0
                                    

"Mapipigilan ba kita? Hindi naman, di ba? I am just giving my advices to this young lady here."

Ngumiti ako nang tingnan niya ako. I can see something in his eyes. Something different that can make my heart feel so good.

He's the oldest in our team and he gave so much attention us. He keeps on taking good care of us, especially, me. May mga ginagawa siyang bagay dahilan ng paglapit ng loob ko sa kanya.

"She's like a daughter to me…"

Mas lumaki lamang ang ngiti ko dahil sa huli niyang sinabi. Gusto ko nang umiyak dahil sa nag uumapaw na kasiyahan pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Sino ang nag aakalang tinatawag akong anak ng hindi ko kadugo? Samantalang ang mga totoong magulang ko ay pinagtatabuyan ako.

"And you need to ask my permission first before asking her to marry you. Baka kung sino-sino ka lang na basta-basta na lang sasaktan itong si Lourdes."

"Hindi ko po siya sasaktan, Tito," sagot ni Arielle dahilan ng pagreklamo ni Attorney Villacorte.

"How dare you call me Tito! I am your senior, Attorney Rivera."

"Sorry po, Tito… I mean, Attorney," ngumiti si Arielle.

Parang sila pa yata ang mag ama kung tingnan.

"Anak mo naman kami, Attorney. So, ibig sabihin ay kapatid namin si Lourdes. May karapatan din kaming makialam—"

"Wala kang pakialam! Bakit ikaw ba ang nagpalaki sa kanya? Hindi mo alam kung gaano kahirap palakihin ang batang yan kaya wala kang pakialam sa kanya!"

Naiiling na tiningnan ko ang mga kasamahan ko dito. Nakikisabay na rin si Attorney Villacorte sa mga kalokohan na pinagsasabi nina Anthony at Attorney Benitez.

Hindi ko din naman gustuhin magkaroon ng mga baliw na kapatid.

"Hindi nga madaling palakihin ang babaeng ito. Pinagtangkaan ba namang sunugin ang paaralan–"

"Hala!" Gulat kong putol sa sinabi ni Arielle. "Saan mo nakuha ang impormasyong yan? Peke yan."

"Doon sa Pabo," proud na sagot nito.

Tsk! Kailan pa sila nagkaroon ng oras ni Kerem na mag usap. Chismoso din, e. Inaalam talaga.

Hindi ko naman sinadyang muntik ko nang masunog ang paaralan. Hindi naman yun napakalaking kasalanan dahil hindi naman talaga nasunog.

"Sinaksak niya ng ballpen ang kaklase niya. Naglalayas kahit na hindi naman kabisado ang lugar na pinuntahan," dagdag niya na kinaiinis ko na. Binabalikan pa talaga ang mga pangyayaring ayaa ko ng balikan pa.

Looking back. I pitied myself. I had done a lot of bad things because I wanted to go home, but no matter how I tried to do something bad, my grandfather and Tita Rivjenn were always there to cover me up.

Kung pwede ko lang balikan ang mga panahong nagrerebelde ako ay baka binatukan ko na ang sarili ko. Ang dami kong kademonyohan na ginawa pero hindi pa rin naman ako nakauwi. Sinira ko lang ang pangalan ko sa mga taong nakakakilala sa akin doon. Pero hayaan na, hindi na naman ako babalik dun. I have learned my mistakes and that's enough.

"Stalker mo!" Pambibintang ko sa kanya.

"Kasalanan bang alamin ang mga pinaggagawa mo sa mga nagdaang taon? Mas lumala ka pala. You became more psycho," he shake his head as if he's really disappointed to what I have done.

"How about you? You became a notorious womanizer."

Natawa siya dahil sa sinabi kaya inis ko siyang tiningnan. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo kaya wala siyang ibang reaksyon kundi ang tumawa .

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now