"He's kind, smart, friendly, and he never raise his voice even once. Masyadong mataas ang pasensya niya pagdating sa akin."
Gusto ko siyang sigawan nang maalala ko kung paano niya ilarawan ang lalaking 'asawa' niya.
Kind? Smart? Friendly? Never raise his voice?! Everytime I remember how he described that pabo guy, I just want to choke him until he can't breathe.
Nakuha niya pang magsinungaling sa akin para hindi ko na siya lalapitan! Paanong hindi ko siya lalapitan? Dito siya nagtatrabaho sa law firm. Plano niya pang layuan ako. Anong akala niya? Makakawala siya?!
"Are you really sure about this, Danielle? I am talking to you not as an attorney, but a father to you. I can clearly see that you love her, but is marrying her this instant really good?"
"Matagal ko na namang gustong pakasalan si Lourdes, Atty."
"I'm not really against this, okay? You're mature enough to get married and I know you already know what marriage means. Pero ganitong nagmamadali kayo?"
Lahat nalang yata ng nakapaligid sa amin ay ayaw kaming maikasal.
Marrying her is the most beautiful thing happened to me. I feel fulfillment when I married her. Hindi ko man lang naramdaman ang ganito noong gumraduate ako.
Ang ikasal sa babaeng mahal ko ay wala nang mas gaganda pa. Hindi ko naman siya pinilit na pakasalan ako. Gusto niya akong pakasalan dahil mahal niya ako. Mahal ako ng nag iisang Lourdes Amanda. I cannot believe it.
"Do you think tatanggapin ako ng Lola mo bilang asawa mo?" Tanong ko sa kanya isang beses.
Nasa terrace kami at sabay na nakatingin sa malakas na ulan. Gabing gabi na pero ayaw pa rin niyang matulog.
"Hindi," mahinang boses niyang sagot kaya napalapit ako sa kanya at ipinulupot ang mga kamay papunta sa tiyan niya.
"Why not?" I whispered and settled my face on her shoulder. I can smell her luscious hair.
"Gusto ka niya, oo."
"Sabi mo ayaw niya sa akin."
Bumuntong hininga siya sabay hawak sa kamay kong nasa kanyang tiyan.
I can't help but smile. It's just a small move but it made me happy. So, this is me being crazy to my wife. My wife. God. How I love calling her my wife.
"Gusto ka niya para kay Josephine–"
"Hindi naman ang kapatid mo ang gusto ko. Ikaw. May magagawa pa ba si Lola doon?"
"Wala?" Tumawa siya.
Even her laugh is a beautiful sound to my ears. Palagi kong sinasabing baliw siya pero mas baliw ako dahil na nabaliw ako sa kanya.
"May laman na ba 'to?" Tanong ko habang hinahaplos ang tiyan niya.
"Wala pa. Wala pang sumisipa."
"Lagyan na natin–"
"Manyak mo!"
Tumawa lang ako. Manyak na agad?
"You know what? Hindi ko na kailangan pang matakot sa kung paano ko palalakihin ang mga magiging anak natin. Nandito naman tayong dalawa para alagaan sila, mamahalin, at iparamdam sa kanila na kumpleto sila."
Of course. Iyon naman talaga dapat. She will become a good mother to our children and I will also be a good father. We will raise our children the way she wants it.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
عاطفيةShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...