Kabanata 33

290 6 0
                                    

Our two-week honeymoon was one of the best weeks in my life. We had enough time for each other and it made us get to know each other more.

Una siyang bumalik ng trabaho dahil sa umuwi pa ako ng bahay. Dalawang araw din ang pananatili ko sa bahay dahil hindi ko makumbinsi si Lola na sa dalawang linggong hindi ako umuwi ay nasa trabaho ako. Sobrang tagal daw ng dalawang Linggo.

"Pumunta ang Mama mo dito sa mga araw na wala ka, Amanda," balita ni Lola.

Tama nga talaga ang sinabi ni Lola, hindi siya titigil. Gusto yata niyang ubusin ang pera ko.

Ang ibinigay kong pera sa kanya oara pam-pyansa sa  asawa niya ay pera ko yun na ibinibigay ni Grandpa at Tita Rivjenn. Iniipon ko. Hindi ko akalain na mababawasan yun ulit dahil piyansa ng taong hindi ko man lang kilala.

"Pumunta din siya sa kung saan ka nagtrabaho. Bumalik dito na galit na galit dahil wala ka naman daw dun."

Kung galit siya, mas galit ako! Nakuha pa talaga niyang pumunta sa trabaho ko? Noong wala akong trabaho, bata pa, at kailangan siya ay itinutulak niya ako samantalang ngayong may trabaho na ako at hindi ko na siya kailangan ay tsaka pa lang siya magpapakita sa akin. Nagpapakita siya dahil sa gusto niyang humingi ng pera.

Wala na siyang karapatan sa akin simula niyang iwanan niya ako kina Lola at Lolo.

Bumalik ako ng trabaho na parang walang nangyari. Balik naman din sa normal ang lahat. Kapag may kaso ay magkakasama kaming buong team, magpaplano sa kung ano ang kailangang gawin, pupunta sa lugar kung saan makakakuha ng ebedensiya, kakausapin ang mga taong pwedeng maging witness. At kung ano-ano pa.

Palagi pa din namang pumupunta si Arielle sa opisina ko para sabay kaming kakain. Minsan ay doon ako umuuwi sa condo niya at minsa doon sa bahay. Nasanay din naman ako sa ganu'ng set up.

"Hi!" Sa pangalawang pagkakataon ay lumapit ulit iyong babaeng kumausap sa akin sa cafeteria. Pero hindi na siya nag iisa ngayon, marami na sila.

"Sa iisang building lang tayong nagtatrabaho pero hindi man lang tayo nagkikita, hindi ka na kasi pumupunta sa cafeteria."

Ano pa ba ang kailangan kong ipunta dito? Si Arielle na naman mismo ang palaging nagdadala ng pagkain ko.

"Masaya bang palaging kasama si Atty. Rivera? I mean sa pagkain? Sa trabaho?" Kuryusong tanong nung isang babae. She's a paralegal.

Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kailangang sagutin ang katanungan niya. Hindi naman ako pumunta sa opisina niya para magtanong ng kung ano-ano tungkol sa personal na mga bagay.

"Sa palagi naming nakikita ay malapit kayo sa isa't isa. Ano ba ang sekreto mo, Atty.? Ilang buwan na ding palagi kayong magkasama at palaging sabay kung kumakain–"

"Wala na ba kayong ibang kailangan? Because I refuse to answer your questions. That's too personal and I choose to keep it private."

Plastik na nagtawanan sila.

"Ikaw naman, Atty. Parang hindi tayo magkatrabaho."

"Gusto lang naman naming malaman."

"You should know what you're doing right now. You're invading my privacy and space."

Natahimik silang lahat. Umiinit na ang ulo ko sa kanila kaya hindi na ako makapagpigil.

God! How thoughtless these girls. Ayaw ko ngang sabihin sa pamilya ko ang tungkol dito tapos sila ay pupunta lang dito sa loob ng opisina ko para magtanong.

"Hey, ladies!"

Napalingon ako sa blinds. Gaya ng palagi niyang pan-chichismoso sa amin ni Arielle, ngayon ay ginawa na naman niya. Ipinasok niya ang kanyang ulo sa blinds at tiningnan ang mga babaeng nagsisiksikan dito sa maliit kong opisina.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now