Naoperahan si Lolo at pinagbawalan siyang magtrabaho ng doktor kaya mas namomoblema ai Lola.
"Saan na tayo kukuha ng panggastos araw-araw?"
I don't know what to do either. I can't even provide my own needs, how can I help my own family for our financial needs?
I hate being poor. I can't help my family and we are struggling with our everyday's financial needs. I can't believe being poor is so hard. Money can really do anything. I needed money now and for the lifetime.
"La, sino yung tumulong sa atin? Tatay ko ba talaga siya?"
Paulit ulit na umiling si Lola. "Hindi! Hindi ka niya makukuha sa amin ng Lolo mo. Pagkatapos nang lahat, ngayon pa siya magpapakita? Hindi ka niya pwedeng kunin samin."
Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng yakap.
"La, sinabi ko na. Hindi kita iiwanan."
"Sana."
Baka iniisip niya ay ipagpalit ko siya sa ama ko dahil gusto kong makilala ang ama noon pa. Hindi ko naman gagawin 'yun.
Hindi ako pumasok sa klase sa loob ng isang Linggo. Kailangan kong tulungan si Lola sa pag aalaga kay Lolo. Nandito pa rin si Lolo sa ospital at hindi pa nakakalabas.
Nalipat siya agad ng ospital dito sa syudad dahil sa binayaran na daw ang lahat ng 'ama' ko.
Matagal ko nang gusto ko siyang gustong makilala pero hindi naman ako sasama sa kanya. May sariling pamilya na siya at hindi ko na dapat na ipagsisiksikan ang sarili ko.
Tanggap naman akong hindi ako mamahalin ng mga magulang ko. Hindi nila ako kayang ipagtanggol sa kung sino man dahil kahit minsan, hindi nila sinubukan.
Napatingin ako sa walang malay na si Lolo nang marinig ang mabilis na pagtunog ng monitor.
"Tumawag ka ng doktor, Amanda!"
Mabilis akong tumayo at halos mabangga na sa pintuan dahil sa sobrang pagmamadali.
Habang tumatakbo ako sa hallway ng ospital ay nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang sunod-sunod na tumulo.
I can't lose my grandfather.
"I'm sorry," I apologized when I bumped into a man.
Tumayo ako galing sa pagkakatumba dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagkabangga.
"What happened?" Nag aalang tanong ng nabangga ko.
Pinahid ko ang luha. "I need a doctor. My grandfather, Sir."
"Okay. Ako na ang tatawag."
Nawala siya sa harapan ko. Ilang sandali ay bumalik ulit siya sa harapan ko.
"Papunta na ang doktor. Don't worry anymore."
Hinaplos niya ang pisngi ko. Pinahid ang mga luha.
"Why are you crying? It's our first time seeing each other and you are now crying?"
Naguguluhan na nakatingin ako sa kanya. May alam na ako kung bakit niya ako kinakausap at tinulungan ngayon pero parang sobrang napaka-imposible.
"Amanda…"
Tiningnan ko ng maigi ang mukha niya nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Are you my father–"
"Layuan mo ang anak ko!"
Ang pagdating ni Mama ang hindi ko inasahan. Nasa harapan na niya ako ngayon at pilit akong itinatago sa lalaking kausap.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomansShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...