"Akala ko ba gusto mo akong pakasalan?" Tanong ko habang nakaupo sa kama niya at nagpapatuyo ng buhok.
"Pero nagbago na ang isip ko."
Masama ang tingin na nilingon ko siya na nakapamulsa at nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Nakatingin lamang siya ginagawa ko.
"Ayaw mo na akong pakasalan?"
"Hindi."
Aba! Baliw yata to. Tsaka siya aayaw kung kailan ay handa na ako.
"Bakit hindi? Akala ko ba mahal mo ako?"
"Mahal mo ba ako? Hindi kita papakasalan kapag hindi mo ako mahal. Hindi ibig sabihin na tinulungan kita kanina ay papakasalan mo na ako. Pasalamatan mo na lang ako."
Sinimangutan ko siya. Alam talaga niyang katulad ako sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.
"Hahayaan ko bang halikan mo ako kung hindi kita gusto? Sasama ba ako dito sa bahay mo kung hindi kita gusto? Hindi ako basta-bastang pumupunta sa bahay ng lalaking hindi ko gusto. Tsaka—"
"Talaga?" Kagat labing tanong niya na nagpipigil lang ng ngiti.
Akala ko ba ay ayaw na niya ng kasal? Bakit parang natutuwa siya?
"What else?" Senenyasan niya akong magpatuloy sa pagsasalita.
Tuwang-tuwa siya, e, no?
"Wala na! Nakakainis ka. Bakit ka pa nagtatanong diyan kung ayaw mo na akong pakasalan?"
Iniwas ko sa kanya ang tingin ko nang tawanan niya lang ako. Naninikip ang dibdib ko dito tapos tatawanan niya lang ako.
Tinapos ko ang pagpapatuyo ng buhok ko at inilagay ang blower sa kung saan man yun inilagay ni Arielle. Umalis ako sa kama at inayos abg damit ko.
"Where are you going?" He asked when he saw me getting my bag.
"Uuwi na ako. Ano pa ba ang ginagawa ko dito?"
Lalabas na sana ako pero nahawakan na niya ang braso ko para mapigilan ako sa paglabas.
"Ano ba?" Pilit kong binabawi ang braso ko pero ayaw niya akong bitawan. "Huwag mo nga akong hawakan. Pagkatapos mo akong paasahin ay sasabihin mong ayaw mo na ng kasal? Kung kailan nagustuhan kita ulit ay gagawin mo sa akin 'to?"
Nilapitan niya ako. "Bakit ka ba umiiyak?" Pinahid niya ang luha ko gamit ang isang kamay niyang hindi nakahawak sa akin.
Hindi ko man lang namalayan ang pag iyak ko.
"Hindi ka man lang nagbago. Ganito ka na sa akin noon. Nagbibigay ka ng motibo pero kapag nagkagusto na ako sa'yo ay bigla-bigla ka na lang nanlalamig. Hiwalay na tayo–"
Natigil ako sa pagsasalita nang halikan niya ako. Kahit na pilit ko siyang itinutulak ay hindi niya hinayaang makawala ako sa kanyang pagkakahawak.
Nang lumalalim na ang halik niya ay hindi ko man lang mapigilan ang sarili kong mapakapit sa balikat niya. Nanghihina ang mga tuhod ko na kung hindi man ako hahawak sa kanya ay baka matumba lang ako.
Hinalikan lang ako ay nawala na agad ang inis ko sa kanya. Nakakainis dahil sa sobrang nagugustuhan ko siya ay ganito ang idinudulot niya sa akin.
"Wala nang bawian, Lourdes Amanda. Walang hiwalayan na mangyayari," mariin niyang bulong pagkatapos ng halik.
"Hindi ko sinabing ayaw kitang pakasalan. Ang ayaw ko ay ang pilitin ka. Gusto kong makasal tayo dahil pareho nating mahal ang isa't isa."
"Ipaintindi mo kasi ng maayos!"
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...