Kabanata 17

332 4 0
                                    

I smiled when I saw my sister and my grandmother arrived just on time.

"Tapos ka na ba, apo?" Tanong ni Lola pagkarating nila sa harapan ko.

Tumango ako. Nagkatinginan kami ni Josephine kaya ngumiti ako s kanya. Kagagaling lang nila sa hospital para sa dialysis ni Lola at napag usapan naming dito kami magkikita sa mall.

"They will deliver the furniture later."

"Kailangan pala nating magmadali, Ate. Baka ma-i-deliver yun at wala tayo doon sa bahay."

Haynaku. Mamaya pa naman yun.

Sabay-sabay kaming tumungo sa store kung saan mabibili namin ang gusto nilang bilhin. I promised them to buy all the things they want and I will fulfill my promise. I just hope that Lolo is here. I want to buy anything he wants. But I can't do that anymore. He left me already.

Inabot kami ng dalawa at kalahating oras sa pamimili bago kami kumain at umuwi na din naman kaagad dahil may kung ano-ano pa kaming gagawin sa bahay.

Mga ilang minuto pagkarating namin sa aming bahay ay dumating na din ang mga furnitures kaya nagpapasalamat ako na nakauwi kami sa tamang oras.

"Saan ba ilalagay 'to, Ma'am?" Tanong nung isa sa mga nag-deliver.

"Ipasok niyo lang lahat sa sala."

Sinunod din naman nila ang sinabi ko. Magpapatulong ako kay Alexis mamaya sa pagbubuhat ng mga sofa at mga kama. Yan naman ang mga pinakamabigat sa mga nabili ko. Saan ba gagamitin ang malaking katawan niya? Para yata sa pagbubuhat ng mga mabibigat ang malaking katawan niya.

Kung nandito pa sana ang sundalo at guro na mga De Guzman edi maganda para mas madali ang pagbubuhat pero may mga trabaho ang mga yun at si Alexis na chef na parang hindi naman yata, siya na lamang. May mga restaurant daw siya pero sa nakikita ko, hindi naman yata niya inaalala ang mga restaurant niua dahil sobrang daming oras na meron siya.

"La, sa taas muna ako. Tawagin niyo po ako kapag dadating si Alexis. Ang sabi niya alas dos ay andito na siya."

Ala una y medya na kaya parating na yung singkit.

"Sige. Isa sa mga sofa ay sa kwarto mo, di ba?"

Tumango ako sa tanong ni Lola. Puno ang sala namin ngayon dahil sa mga pinamili ko.

"Ate, magluluto ba ako para sa meryenda natin?"

"Ayos lang ba?"

Tumango siya kaya tumango na din ako.

"Ano bang gusto mo, Ate?"

"Banana cue at turon," si Lola na mismo ang sumagot.

"Yan ang mga meryenda na gustong gusto ng ate mo noon. Baka ngayon ay iba na."

"Hindi po, Lola. Ganun pa din naman po. Na-miss ko nga pong kumain ng mga ganung meryenda."

"Dalawa lang naman kaming nagluluto niyan para sayo."

Si Lola at si Tita Camille. Sila lang naman ang may alam na yan ang mga paborito kong kinakain kapag meryenda.

"O, siya. Umakyat ka na. Baka may mahalagang bagay ka pang gagawin."

Nakangiting umakyat ako sa taas at nang makarating sa silid ko ay pabagsak akong dumapa sa aking higaan. Magpapahinga lang dapat ang gagawin ko pero tuluyan na pala talaga akong nakatulog. Nagising lang ako nang may marinig akong maingay sa paligid ko.

Pagdilat ng mata ko ay diretsong nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod at nag aayos ng sofa. Iyon ang sofa na binili ko kanina para dito sa kwarto ko.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now