Kabanata 32

288 6 0
                                    

"Hindi ko akalain na sa'yo pala ang bagsak ni Arthur," maarteng sabi ni Jaya.

"Ano naman ngayon?" Inis kong sagot.

Ngumiti si Jaya kaya gusto ko na siyang sipain. Pasalamat talaga siya at nakayakap pa rin si Arielle sa akin ngayon. Nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Nahihirapan tuloy akong tingnan ang dalawang babae niya.

"Wala naman. Congratulations to the both of you. Best wishes to the newlyweds."

Tsk! Ang plastik.

"Ano ba, Anthony? Tulungan mo ako dito kay Arielle–"

"Papasok na ako, Atty. Nagmamahalan naman kayo kaya kaya mo na yan," at sabay-sabay silang nagsipasukan sa loob ng sasakyan nina Atty. Benitez at Atty. Villacorte.

Talaga naman!

"Abogado ka din pala, Loida?"

"Ano naman ngayon?" Inis kong sagot kay Cecelia.

"Hey! Danielle!"

Gumalaw siya ng kaunti pero mas isiniksik lang niya ang sarili niya sa akin. Kung hindi lang sana ako matangkad ay baka kanina pa ako napasubsob.

Namumuro na talaga itong si Arielle sa paghawak sa katawan ko.

"Danielle!" Seryoso kong tawag.

He lifted his head and looked at me using his sleepy eyes. "Oh!" He surprisingly looked at me. "You're my wife."

Lasing nga talaga.

"Hindi ko naranasan na ganyan si Arthur sa akin noon," bulong ni Jaya.

"Gusto lang kasi niya tayo, hindi mahal. Kilala naman natin kung sino talaga ang laman ng puso niya, bata pa lang tayo," sagot naman ni Cecelia.

Kung pag uuntugin ko kaya sila?

"Saan ka ba nakatira ngayon, Lia? Para naman makapunta ako sa bahay niyo. Alam mo na, hang out."

Sinabi ni Cecelia ang address niya at hindi ko na pinakinggan ang pinag uusapan nilang dalawa. Mga lasing din yata sila dahil sa kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

Kahit na nahihirapan akong isakay si Arielle ay hindi ako tinulungan ng mga lasing. Parang tuwang-tuwa pa nga sila dahil nahirapan ako. Ayos din ang mga to, e.

Kung ihulog ko kaya sila isa-isa? Ako na nga ang naging tagasundo sa kanila, tagahatid pa. Bagong kasal ako tapos ito ang nangyayari sa akin. Sa bahay at itong mga lasing. Ayos din! What a beautiful day! Ang dami kong pinagdadaanan ngayong araw na ito at ang kasal lang ang magandang nangyari.

Isa-isa kong hinatid ang mga lasing kong kasama. Kahit na si Judge Santos ay naihatid ko pa kahit na medyo malayo pa ang bahay nila. Alas onse na tuloy ng gabi kami nakarating ni Arielle sa Condo niya. Natutulog lang naman siya buong byahe.

"Hey," tawag ko sa kanya nang makapasok na kami sa parking lot ng Condo. "Wake up, Danielle."

Hindi pa rin siya gumigising. Napabuntunghininga akong napasandal sa upuan. Kinakalma ang sarili. Baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking ito.

Magpigil ka, Amanda. Lasing yan.

Nang lingunin ko siya ay gulat akong napaatras nang makitang gising na siya at nakatitig na sa akin.

"Nandito na tayo–"

"Finally."

"What?" Gulong gulo kong tanong sa sinabi niya. Lasing pa rin yata.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now