Kabanata 39

297 4 0
                                    

"Accused-appellants Benidicto Josefino and Karl Josefino are found GUILTY beyond reasonable doubt of HOMICIDE for the killing of Noel Bangondin and are hereby sentenced to suffer the penalty of 8 years and 1 day of prision mayor as minimum to 14 years, 8 months and 1 day of reclusion temporal as maximum. They are ordered to pay the heirs of Noel Bangondin the amount of P60,000.00 as civil indemnity, P60,000.00 as moral damages, P60,000.00 as exemplary damages, and P30,000.00 as temperate damages in lieu of actual damages…."

Sekretong napahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.

Nang matapos ang trial ay lumapit ako sa pamilya ng aking kliyente. Nag iiyakan sila habang nagyakapan.

"Salamat, Attorney. Nabigyan din ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko."

That's it. My duty is to defend my client and to make sure to win the case.

Dahil sa sunod-sunod na trial ay halos hindi na ako makakakain. Uunahin ko pa ba ang kumain? Hindi na nga ako halos na umuuwi. Halos dito na ako namamahay sa opisina. Baka sa isang buwan ay tatlong beses lang akong umuuwi dahil kapag may oras ako na hindi ginagawa ang trabaho, pinupuntahan ko naman palagi si Aubrielle sa condo niya. Hindi na kami halos nagkikita ng kapatid kong yun dahil pareho kaming busy sa trabaho.

Kahit na itinataboy ako nun, matigas naman ang ulo ko. Tsaka gusto ko lang naman alamin kung ano ang mga ginagawa niya.

Kakaupo ko pa lang ng swivel chair ay tumunog din ang cellphone ko.

It was Alexis and I don't want to answer it. Ilang buwan na ba kaming hindi nagkausap. Bakit tumawag ito ngayon? Naalala yata ako.

"Guess who's back?"

Hindi man lang ako kinamusta. Ayos din ang lalaking ito.

"Sino?" Walang gana kong tanong.

Sumandal ako sa swivel chair at pumikit. Masakit ang likod ko at pati na din ang ulo. I am stressing out about the cases I have been handling for the past months.

"Magugulat ka kapag malaman mo–"

"Magugulat ka talaga kapag napuntahan kita sa kung saan ka ngayon at mabigyan kita ng suntok!"

Narinig ko ang tawanan sa kabilang linya kaya nalaman kong hindi lang siya nag iisa. Ano na naman ba ang kalokohan ng lalaking ito?

Hindi naman siya tatawag kung wala siyang importanteng sasabihin. Loko loko siya mula noon at sumubra ngayon pero alam niyang busy ako at busy din siya. Wala kaming oras pareho sa mga kalokohan.

"Init ng ulo natin, a," natatawang sabi niya.

"Natalo ka yata sa kaso, pre," it was Kaiden's voice.

Magkasama pala ang dalawa. Baka umuwi si Alexis ng San Vincente. Pinamamahalaan din naman niya ang restaurant ng pamilya niya doon.

"Hindi yata nagkaroon ng oras sa babae."

Nawalan na ako ng ganang magsalita nang marinig ang boses ni Gabriel.

Magkakasama silang tatlo tapos ako ay nandito, sumasakit ang ulo dahil sa puspusang trabaho. Hindi man lang ako sinabihang nakauwi pala siya galing Mindanao. Hindi man lang ako dinalaw dito. Nagsama sama sila tapos ako ay nandito.

"Bakit magkasama kayong tatlo?"

"Hindi kami tatlo kahapon. Apat kami."

"Sino?"

Si Ashanta? Si Betane? Si Gio? Pero puro busy ang mga yun. Lalo na yung si Gio. Kontra pala yun ng magpipinsan. Tsk! Walang kasalanan yung tao. Umiinit din ang dugo ko doon kahit na wala naman siyang masamang ginawa.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now