Kabanata 29

289 4 0
                                    


"Please, help my daughter."

Habang nakatingin sa isang ina na umiiyak at nagmamakaawang ipaglaban namin sa korte ang anak niya ay hindi ko maiwasan ang matitigan siya ng hindi siya sinasagot.

Hindi ko lang alam kung ano ang  unang kong maramdaman, asikasuhin siya o puntahan ang anak niya at saktan dahil sa pinaiyak na ng ganito ang ina niya. Hindi lahat ng ina ay ganito ang gagawin para sa kanilang mga anak.

"Ginawa lang naman niya ang bagay na yun para protektahan ang anak niya. Ang apo ko."

Napatingin ako sa bata na tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ng kanyang Lola. She's hugging a cute teddy bear while tearing her eyes to her Lola. She's maybe around four or five years old.

"And she admitted the crime?" Atty. Benitez asked.

"Oo."

Lahat kami ay napabuntunghininga. Mahihirapan kami kapag ganito.

"You know what, Mrs. Nuñez? Maybe we can help your daughter… paano ba 'to?" Hinawakan ni Atty. Villacorte ang noo niya na parang ayaw na niyang tanggapin ang kasong ito.

"Matutulungan namin siyang mapababa ang taon ng kanyang pagkabilanggo pero hindi namin siya matutulungan na hindi makulong. She admitted the crimes and that made her guilty."

Pinanlakihan ko ng mata si Arielle. Wala din yata siyang pakialam sa sinabi niya.

Parang loko naman 'to. Hindi siya judge para sabihin yun. Hindi pa nga nagsisimula ang paglititis ay nanghuhusga na siya.

"Pero gaano katagal? Kailangan siya ng anak niya. Bata pa itong si Lina. Hindi niya kakayaning mapalayo sa ina niya."

"Sa inyo po muna siya pansamantala, Mrs. We can defend your daughter, but we can't help her prove her innocence. She already admitted the crime."

Paulit-ulit na ang admitted the crime. Nakakarindi na. Trabaho naming ipaglaban ang kliyente namin sa abot ng aming makakaya. At hindi dapat namin hinuhusgahan ang kung sino man. Everyone is innocent until proven guilty. Even if she admitted it, she's still innocent. Maybe? Pati ako ay nadadamay na rin ni Arielle.

"May mga bagay na hindi ko maibibigay sa kanya. Kailangan din niya ng isang ina na mag aalaga at magmamahal sa kanya. Oo, aalagaan ko siya, mamahalin at ibibigay sa kanya ang lahat ng aming makakaya ng Lolo niya, pero kailangan niya ng isang ina. May mga bagay na hindi ko kayang maibigay sa kanya na ang ina niya lang ang makapagbibigay."

Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong palda. Bakit parang papunta na ang usapan sa hindi ko magugustuhan na klase ng usapan? Pakiramdaman ko ay hindi na tungkol sa kaso ang pinag uusapan dito. Patungkol na sa akin.

"Pero, Mrs. pansamantala na lang muna. Hindi pa natin alam ang desisyon ng husgado. Gagawin namin ang makakaya namin. Tutulungan namin ang anak mo hanggang sa makakaya namin pero gaya ng sabi ni Atty. Rivera, we can't assure you to prove your daughter's innocence."

"Ang panghahawakan ko lang ay ang sinabi niyong gagawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo. Sapat na sa akin. Tatanggapin ko naman kung ano ang magiging resulta. I trust you not because this is a famous firm, but I trust all of you because you're all said you're going to do your best."

Nang makaalis ang ginang ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Mabuti at hindi na niya dinagdagan pa ang sinabi kanina. Ayaw kong marinig ang tungkol sa pagkukulang ng Lolo at Lola sa pag aalaga ng kanyang apo dahil lumaki akong ang Lolo at Lola ko lang ang kasama ko. At wala akong maramdaman na pagkukulang, ngayon lang na nakabalik ako. Ngayon ko lang naramuna may kulang.

Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)Where stories live. Discover now