Hindi tuloy ako nakatulog dahil sa sinabi ni Kerem. Kahit anong gawin ko ay hindi man lang ako dinalaw ng antok kaya kinabukasan ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Paglilitis na ng kaso at kasama ako na nasa court pero lumilipad ang isip ko.Si Arielle ang katabi ni Mrs. Enriquez samantalang kami nina Anthony ay nandito lang sa upuan kasama ng mga taong nakikinig sa paglilitis.
The look on Arielle's face was very different from what I always saw him. While asking the witnesses and the suspect, he look like a beast ready to wreck whoever his prey. He look scary when he's in court.
Kapag ako siguro ang suspect at tinatanong ako ni Arielle, baka mahihimatay lang ako dahil sa sobrang takot. Ang mga titig sa mga mata niya ay parang nangunguha ng buhay.
"Do you know what his nickname is when he's in court?" Mr. Lucas whispered.
Medyo inilapit ko ang tenga sa kanya para ipakita sa kanya na interesado ako sa gusto niyang sabihin. Tumawa siya dahil siguro sa ginawa ko pero nagsalita din naman siya.
"Attorney Arthur Danielle 'Beast' Rivera."
And I agree. Hindi dahil sa pangit siya kaya sumang ayon ako na 'beast' ang tawag sa kanya. Sadyang nakakatakot lang talaga siya kapag nasa korte. Baka maihi pa ako sa takot kapag naging suspek ako.
He's wearing his eyeglasses now, paired by a black tuxedo. His hair is as tidy as the papers on his table.
Kung ako lang ang judge ay baka ipapanalo ko palagi ang mga kaso ni Arielle. Mabuti na lang talaga at abogado ako. Hindi pwedeng maging judge ako. Nagiging marupok ako dahil sa kagwapuhan ni Arielle. I am no different to the girls who found him attractive. Babae lang, nagiging marupok kapag gwapo na ang pinag-uusapan.
When the judge announces his verdict. Hindi na ako nagulat pa. Sa dami ng ebidensyang nagturo sa suspect, hindi na kailangan ng paglilitis ulit dahil guilty ang hatol sa suspect.
Nahanap ng mga police ang naka hit and run kay Misis Enriquez at dapat lang sa kanya ang makulong.
Nakangiting tiningnan ko si Arielle na agad na hinanap ako ng mga mata nang sabihing guilty ang suspect. Galing sa tagpo nitong kilay at seryosong mukha ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya.
Damn! Why is he smiling like that? It makes my heart flutter.
"Halaka! Himala at ngumiti yang si Attorney," puna ni Mr. Lucas. "I saw happiness in his eyes. This is once in a lifetime."
Pagkatapos nilang mag-usap ni Misis Enriquez ay mabilis ang lakad nitong tinungo ang bandang kinauupuan namin ni Anthony.
"I won," maliit na boses niyang sabi nang makarating ito sa harapan ko. "We won, Lourd."
I nodded happily. Tama nga si Anthony. Hindi basta-basta makikita ang katuwaan sa mukha ni Arielle. Minsan na nga ngumingiti. Minsan lang siya ngumingiti kaya nakakatuwang tingnan ang masayang mukha niya ngayon.
Tumayo ako at masayang hinawakan ang kamay niya. "Congratulations, Attorney!"
He smiled. Bakit ang gwapo?
Nang tanggalin ko ang kamay kong nakahawak sa kanya ay halos mapasigaw ako dahil sa biglaang paghila sa akin para yakapin ako.
"We won," he whispered while hugging me.
My whole body stiffened at what he do, but my heart gone wild. The only part of my body who function different right now is my heart. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit. Nahihirapan akong huminga dahil sa naging reaksyon ng puso ko.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...