"This is the last game?" I asked Arielle while holding the popcorn using just my one hand 'cause he's holding the one another.
"Yes. Game seven. Championship," he answered.
Sakto lang ang dating namin dito sa Smart Araneta coliseum kaya hindi kami masyadong nahirapan sa pagpasok. Hindi pa naman nagsisimula ang laro kaya nakuha ko pang kausapin siya.
Noong nakaraang magkasama kaming nanood ng replay sa condo niya ay hindi din ako natagalan sa panonood dahil sa nakatulog ako. Pagkagising ko ay umaga na at nasa kwarto na niya ako. Hindi tuloy ako nakauwi sa bahay. Pero wala din namang pakialam si Lola at si Josephine kaya hindi na ako nahirapan pang magpaliwanag.
Hindi pa rin ako pinapansin ni Josephine sa tuwing nagkikita kami sa bahay. Kahit na sinusubukan kong i-corner siya para magkausap lang kami, hindi talaga niya ako kinakausap. Mataas pa ang pride niya samantalang wala naman akong kasalanan. Hindi ko naman kasalanan na ako ang gusto ni Arielle at hindi siya. Kahit na hiwalayan ko si Arielle, kung hindi talaga siya gusto, wala na siyang magagawa. Kawawa siya.
Naiinis na ako at ako pa talaga ang kailangang humingi ng tawad. Dapat siya nga ang humingi ng tawad sa akin dahil nagalit siya sa akin kahit na wala naman akong ginagawa. Mature na mature talaga siya, e. Sa sobrang mature niya, sa akin siya nagagalit dahil sa walang gusto si Arielle sa kanya. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid ay baka pina-salvage ko na siya.
"Who's your team? Is it red or a jersey with a combination of red and white?"
"Secret," sagot nito.
May pasekre-sekreto pang nalalaman.
Nang magsimula na ang laro ay nadamay pa ako sa mga fans na nakikisigaw na rin kapag may naka score. Kahit na wala naman akong team na pinapanigan, nakakatuwang makisabay sa kasiyahan ng ibang fans.
I am starting to enjoy this game.
Kapag may naka-shoot ay tangkain ko mang tumayo at magsisigaw kagaya ng karamihan dito pero hindi ko nagagawa dahil sa nasa beywang ko ang mga kamay ng katabi ko. Nanonood siya ng laro at sa nakikita ko nag-e-enjoy naman siya pero hindi talaga niya nakakalimutan na hawakan ako.
We're both wearing a bull cap, but he's look good while wearing. Mas nakikita ko ng buo ang mukha niya kapag lumalapit ako sa kanya at tinitigan siya. Kahit na nakasuot siya ng hooded jacket at track pants pero hindi pa rin mawawala na gwapo siya. He look so simple yet, expensive. Shit! Ang dami kong kaagaw dito.
"Lapit pa," siya.
"Bakit?" Nagugulahan kong tanong.
"Kanina ka pa tinitingnan ng mga kalalakihan. Hindi ako komportable. Lapit ka pa."
"Pero malapit na ako sa'yo. Mahihiya na nga ang hangin na sumingit dahil sa lapit nating dalawa."
"It's not enough."
Ang OA lang.
"Ano naman kung titingnan ako? Hindi naman nila kita ang mukha ko–"
"Hindi mo ba alam na kahit ganyan ang suot mo ay nakikita pa rin nila ang taglay mong kagandahan?"
Taray! Kung makapagsabing kagandahan ay parang hindi ako sinasabihan noon na pangit ako. Ang sarap din yakapin nito pero sa leeg.
Tiningnan ko ang suot kong terno sa suot niya. Hooded jacket at track pants ngunit sa iba lang ang kulay. Sino pa ba ang magtatangkang tingnan ako nito? Siya nga diyan, litaw na litaw pa rin ang kakisigan, wala naman akong reklamo.
YOU ARE READING
Beautiful Imperfections (High School Romance Series #4)
RomanceShe's his childhood friend and they know each other very well. Arthur Danielle being a chicboy is the biggest problem of Lourdes Amanda. Will their friendship last if one of them falls for each other? Who will fall first? Or did someone fell already...