Prologue

25.8K 567 140
                                    

"Ilan muna 'to kasi?" Inilahad ni Ashly ang dalawang daliri niya at ipinakita sa akin. We were sitting peacefully here at our school cafeteria. Tinanggal ko muna ang salamin ko dahil nag-moist 'yong usok na galing sa kape nang bigla niyang itanong 'yon.

I sighed, "Ash, malabo ang mata ko, hindi ako bulag." Sagot ko naman.

"Weh?" She said like I was joking. "Ilan muna?" Ulit niya pa.

"Dalawa," Hindi na ako nagpatalo at sinabi na lang ang sagot. Ngumiti pa siya at pumalakpak na parang bata.

Tapos na ang pangalawang subject namin for today. Actually, lunch na kaya nandito kami para kumain. Meron pa kaming tatlong subject, unless magkaro'n ng meeting. Mas gusto ko nga 'yon, para matanggal ko na 'yong salamin ko. Kanina pa kasi nananakit 'yong mata ko, nahihilo na rin ako. Itinigil ko rin panandalian ang pagbabasa ko ng libro.

Nasa 3rd year na ako ng BS Nursing. Sa totoo lang, ang toxic na ng BS Nursing para sa health ko. Minsan kasi ay ilang oras lang ang tulog ko sa dami ng inaasikaso. Pero okay lang naman dahil ginusto ko 'to.

Being a doctor is better than being someone I don't want to be. My dad wanted me to become a lawyer. Hindi naman siya lawyer para sumunod ako sa yapak niya, that's why I was wondering. Most people would probably want to become a lawyer too, but I don't.

Law's not for me! Maraming kakabisaduhin doon, e... marami rin naman kapag pre-med but I prefer this.

Daddy said he wanted me to become a lawyer for power. For money. For fame.

Just... what the fuck? Aanhin ko 'yon? All I wanted was to have peace of mind! Hindi ng kung ano. Fame? I don't want those.

I don't want fame just because I'm e nerd or what. I ain't a nerd, they just call me that just because I wear glasses. Heck those stereotypings. I don't want fame because I hate spotlight. I don't want everything to be all about me! Ayoko no'n. Gusto ko na lang maging normal na tao at maging doktor.

"Ay, gagi! Bago na pala 'yong isang prof natin! Yes naman, my ears will be blessed again," humawak pa si Ash sa tenga niya at animo nagrerelax.

'Yong tinutukoy niya ay 'yong bagong Professor na papalit sa dating professor namin sa Comm Health Nursing 2. Although hindi na namin subject iyon. Bigla na lang kasing nag-resign 'yong dating Professor doon. Ewan ko ba, okay naman siya mag-turo, 'yun nga lang, boring.

Hindi naman sa hindi kami nakikinig... siya kasi 'yong uri ng prof na mas alam pa namin ang talambuhay niya kesa sa pinagaaralan dapat namin.

Kapag nga nagtuturo e bigla na lang kikiligin dahil nag-text 'yong kinakasama niya na galing English department.

"Babae kaya? Or lalaki?" Tanong niya pa, "Pero, pake ko ba? Kung gwapo, edi jackpot, kung maganda, edi mega-jackpot, duh?" Aniya na parang tangang kinakausap ang sarili.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko at hinayaan siyang daldalin ang sarili niya. Kaya na niya 'yan, malaki na siya.

"Ano ba 'tong si Ashly, KC? Baliw ba 'to?" Napaangat ang tingin ko mula sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Gracelyn.

Her name's Gracelyn but she prefers to be called as Rae. Cute kaya ng Gracelyn, pang-mahinhin 'yon, e hindi naman siya mahinhin kaya pwede na.

Ang name na Gracelyn, for me, ay 'yong 'di makabasag-pinggan. E itong kaibigan ko, animo basagulero ng pinggan dahil sa mga kabaliwan niya araw-araw.

Rae was frowning while looking at Ash who's busy talking to herself while holding a stick. Stick 'yon na may nakatusok na kikiam.

Rae was wearing a simple white top and a long skirt. 'Di ba, ang hinhin manamit pero kabaliktaran niyan ugali niya?

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon