Khiane Courtney's POV"Class dismissed. Miss Adelstein, stay." Akmang lalapitan ko na sina Rae nang banggitin ako ni Miss Aly.
How did she know my name? Paano, ako ang tinanong nang tinanong kaninang recitation. God! First day niya pero puro recit! At saka, ilan kami sa class, pero ako nang ako?
Crush niya siguro ako?
Joke, ayoko nga.
"Miss, ayaw ko po-" tatanggi sana ako dahil talaga namang nakakaintimidate siya kung tumingin, pero lalo lang akong natakot nang marinig niyang aayaw ako.
Sinamaan niya lang naman ako ng tingin.
"Hehe, sabi ko nga po," ibinaba kong muli ang bag ko at tinignan ang dalawa kong kaibigan, nakuha naman nila ang gusto kong sabihin nang tumango si Ash. Nga lang, Rae did not nod so it made me a bit sad.
Bibili na lang ako ng mogu-mogu para suyuin siya.
Nang makalabas na ang lahat ng blockmates ko, maging sina Ash, ay agad akong lumapit kay Miss Aly na inaayos ang markers niya. Dami niya ngang markers, e, gagi tatlo ata nagamit niya ngayon.
"Miss?" Dahan-dahan kong tawag sa kaniya. Tinignan naman ako nito pero magkasalubong agad ang mga kilay niya. What's her problem?
"Carry these for me," Aniya at itinuro 'yong tatlong makakapal na libro at 'yong laptop niya. Napanganga naman ako.
Ang dami!
"Miss, alam kong maganda ako, pero ba't n'yo naman ako ginawang prinsesa-" sasabihin ko pa dapat na ginawa niya akong Sofia the first na nagt-train maging Princess kaso sinamaan niya na ako ng tingin.
Kainis!
"Princess my ass, shut up and just carry these, you talk to much." Inis na sabi niya at nilayasan ako. Napabuntong hininga na lang ako at binuhat ang pinapabuhat niya.
Sinundan ko naman agad siya, mabilis pa nga ang lakad niya, ang haba pa ng biyas kaya nahirapan akong habulin at sabayan siya sa paglalakad.
Angas, e, wala man lang pakundangan! Porket maliit 'tong estudyante niya? Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko!
"Gosh, Adelstein! You talk so much na nga, you walk slowly pa!" Reklamo nito nang manguna na naman siya sa paglalakad. Wow, ah? Siya na nga 'tong nagpapabuhat ng gamit niya!
Ito rin si Miss, e. Chansing 'to sa akin.
"Miss naman, ang bilis mo kasi mag-lakad! May lakad ka ba?" Reklamo ko rin sa kaniya. May karapatan akong mag-reklamo, 'no? Ako kaya ang nagbubuhat ng gamit niya?
"Oh, see? You talk to much and you walk slowly na nga, you are being disrespectful pa!" Iritable niya akong tinignan, "Don't you know how to use po and opo?!"
I stopped.
"Alam... po." Sagot ko.
"It's your Professor and Adviser you are talk to, Miss Adelstein, watch your language." Seryosong aniya kaya napalunok ako.
Sige na nga. Ilang taon na ba siya? 26? She looks young though.
But, I admit, I was wrong for not respecting her.
"Sorry po, Miss." I sincerely said. She nodded and started walking again. I quietly followed her until we arrived at her, I suppose, office. This office has always been empty, I guess this was for her.
Nilakihan niya ang pag-bukas ng pinto ng office niya, she looked at me like she was telling me to come in so I did. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko na agad 'yong perfume niya.
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...