Khiane Courtney's POV
"Aly, madaya! Hindi ko naman 'to subject dati! Paano ko malalaman 'yong meaning?!" Pagmamaktol ko sa kaniya.
"You want to know the meaning, right? Study stenography, then." Masungit na aniya habang pinagluluto ako ng tuna pasta.
Tuna pasta na lang ang sinabi ko sa kaniya instead of pesto pasta. Nagce-crave kasi ako sa pesto pasta, pero ayoko namang i-risk ang health niya lalo na't allergic siya sa pesto kaya tuna na lang.
Masarap din naman iyon.
Anyway, ganito kasi ang nangyari...
Kanina kasi'y na-bored ako, tapos naisipan kong tawagan siya! I was in front of my mirror while trying to call her, wearing nothing but my silky PJ's. It took her a lot of time to answer, so I remained standing up for about some time.
Triny ko lang naman 'yong trend ngayon! 'Yong baby, can you call me back? I miss you, it's so lonely in my mansion...
Tapos, hindi ko naman alam na nags-shower naman pala siya! Rinig ko ang way ng pag-patay niya sa pihitan ng shower. Rinig ko rin kung paanong nawala ang tunog ng tubig na nanggagaling sa shower.
Akala ko'y pinatayan niya na ako nang tuluyan ng tawag pero gano'n na lamang ang kinagulat ko nang padabog siyang pumasok sa kwarto ko. Ni hindi siya nag-sabi na pupunta pala siya rito!
Galit siya, ih...
"Madaya. Ganiyan ka, ayaw mo na lang kasing sabihin sa 'kin. 'Di ka ba naaawa sa 'kin?!" Reklamo ko pa habang paikot-ikot ng lakad sa loob ng kitchen.
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok~
"If you really wanna know what's the meaning behind those, you must work hard for it." Aniya at saka nilagay 'yong naluto niya sa isang plato. "What's the point of writing it in stenography if I'll tell you the meaning right away?"
"Madaya..." I whispered, pero narinig niya pa rin naman iyon.
"Where's the fun in that, baby?" Panunukso nito at saka ako nginisian kaya naman sinimangutan ko lang siya.
Nang makapag-hain siya ng pagkain naming dalawa ay agad niya akong niyaya para kumain. Nag-labas nga ako ng orange juice para sa aming dalawa. Naka-tutok pa siya sa phone niya nang bumalik ako sa dining.
"Love, kakain na tayo.... baba na ang phone, please," paalala ko sa kaniya nang maibaba ang pitsel na dala-dala.
Ang ngayong maaliwalas na niyang mukha ay tumingin sa akin. Ngumiti siya bago ibinaba ang phone niya. She signaled me to sit down which I immediately followed.
"Are you busy with work?" Tanong ko sa kaniya nang makapag-simula kaming kumain. Tumingin ito sa akin at saka ako inilingan.
"Not really," sagot niya. "It was Amy I was talking to. She asked me if I could print this particular case for her."
"Oh," tanging sagot ko, tumatango. "Edi, aalis ka rin agad?"
"Nope. She'll drop by here. Is that okay with you?"
"Yup. You can use my printer. Nandoon 'yon sa kwarto ko." I answered, taking a bite of my food. "Anyway, Aly, 'di mo talaga sasabihin?"
Natawa siya sa pangungulit ko. "You have no patience in trying to study stenography, yeah?" Natatawa niya pang sabi.
"Pa-mysterious ka pa kasi diyan," pabirong inikutan ko siya ng mata. "Ano kasi 'yon, mahal? Ito naman parang others..."
"It's literally so easy,"
"Sa'yo. Syempre ikaw gumawa no'n, eh." Sagot ko agad. "Kaya siguro ayaw mo sabihin kasi gayuma 'yon, 'no? Hala ka, Aly, 'di na ikaw ang Aly na kilala ko-"
BINABASA MO ANG
Beneath Those Glasses
RomanceGxG | ProfxStudent | Stand Alone (Estrella University Series #1) Khiane Courtney, or who they call KC, was studying not so peacefully at Estrella University. She was a BS Nursing student who aims to be the best, more like, the bestest. Khiane wears...