Chapter 34

12.2K 366 30
                                    

Khiane Courtney's POV

"Hoy, uwian na! Uwian na! Parang awa n'yo na, umuwi na kayo!" Ang kaninang pag-titig ko kay Alyona na siyang humalik sa gilid ng labi ko ay naputol nang maka-rinig ako ng sigaw mula sa loob ng bahay papalabas.

Pamilyar pa ang boses noon kaya naman napa-kunot ang boses ko.

Nang tumingin ako sa paligid ay laking gulat ko nang makitang naka-labas na ng kotse si Aly. Ngunit mas nagulat ako nang makita si Ash na tinutulak ni Aly papasok sa bahay.

Ang huli pa ay halatang inaasar ang babaeng kanina lang kasama ko rito sa loob ng kotse.

Ba't siya nandito? I don't understand why Ashly's here... pero hindi ko na ito poproblemahin. Marami na akong iniisip. Hindi na rin naman ito bago sa 'kin lalo pa't hindi pa rin naman talaga nawawala sa isip ko ang pigura nilang dalawa na sabay lumabas sa coffee shop noon...

Nabanggit din naman ni Rae na ilang beses niya nang nakita ang dalawa na sabay lumalabas sa opisina ni Aly.

"Kapag uwian na, uwian na! Wala nang halik-halik! Mama, bata pa 'ko!" Sigaw pa ulit ni Ash bago siya tuluyang maitulak ni Aly papasok sa bahay... niya.

Ata.

"Oh my goodness, Elorica Ashly! I told you not to wait for me!" Saway ni Aly kay Ash. Nagtataka man ay hindi ko na pinansin ang dalawa. I looked at Aly and signaled her that I'll get going.

She smiled back when I smiled at her.

Habang nagmamaneho pa pabalik ay hindi ko mapigilang mapakagat sa ibabang labi dahil sa itinawag ng huli sa akin. Kung kagabi ay baby, ngayon naman ay love.

Huy, 'wag siyang ganiyan, kapag ako nasanay... baka bigla ko na lang siyang alukan ng singsing.

Charot. Hindi pa nga pala ako tapos sa pag-aaral.

Kahit na nakita ko si Ash kanina ay hindi ito naging dahilan para malungkot ako. Maybe they were friends? Matanda na kami... hindi naman siguro sapat na makita ko lang silang magkasama upang isipin na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Ganoon din naman kami noon... pero magkakaibigan kami. At saka, bakit ko naman iisiping mayroong sila? Nasabi na ni Ashly na kasintahan niya ang kaibigan ni Aly na siyang propesora rin.

Mayroong sila, at 'yong kina Aly at Ash, I lost translation of it.

Maybe because I was too scarred and broken that time—everything that has happened to me affected the way I think about things and... I wasn't in the right mind.

Pero ngayon, naiintindihan ko na.

Naiintindihan ko na siya sa puntong iyon ngayon.

The next day, I did my usual routine. I went to the bakery to get some bread before I decided to go straight to my office. Hinatid ko pa 'yong bruhildang si Miley sa firm nila dahil nasiraan ito. Ako na rin siguro ang susundo sa kaniya mamaya, maybe we could hang out. Hindi kasi iyon natuloy kahapon.

Thought my day would be like the usual but I was wrong—Adelaida Montecer-Mendoza came to my office only to bug and be a nuisance to me for today.

"Hello, beh! Namiss mo ba 'ko? Ako, hindi kita namiss." Iyon ang bungad niya sa akin nang maka-rating ako galing sa isang meeting.

Hindi pa man nangangalahati ang araw ko sa opisina ay nandito siya para guluhin ako, akala mo walang trabaho, e.

Naka-hiligan na ni Adelaida ang tumambay dito dahil gusto niyang magpalamig. Iyon lang iyon. Gusto niya lang magpalamig.

"Nandito ka na naman? Anong pinaplano mo? Busy ako." Sunod-sunod na sabi ko sa kaniya habang ibinaba ang mga papel na dala ko.

With my heels clicking on the floor, Addy's talkative ass synced. My secretary, on the other hand, went inside my office to deliver the coffee I asked for Addy and I.

Beneath Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon